Panawagan ng CSO sa Malacañan Igalang, Sundin ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro at Huwag Makialam sa Internal na Affairs ng BARMM
COTABATO CITY (Ika-22 ng Hulyo, 2024) — Pagsusulong ng mas malakas na awtonomiya ng Bangsamoro at paalalahanan ang Malacañan na huwag makikialam sa internal na affairs ng government of the day ang sentro ng ginawang Press Conference ng CSO-Movement for Moral Governance dito sa lungsod ngayong araw ng Lunes.
“Layunin natin una dito ay ma cut na yung pakikialam ng Malacañan, ng outsiders sa internal affairs ng Bangsamoro,” pahayag ni Datuan Magon ng CSO-Movement for Moral Governance.
Tutol ang grupo nila Magon sa mga taga labas ng BARMM na nakikialam sa mga internal na usapin ng Bangsamoro, na ani nila’y banta sa kasarinlan ng rehiyon. Tinukoy nila ang mga nakaraang karanasan ng ARMM na ayon sa kanila ay hindi dapat maulit sa BARMM. Ipinunto ni Magon ang mga nagmamanipula sa defunct ARMM na mga tao mula sa labas ng rehiyon.
Sa usaping internal sa BARMM at nang kasalukuyang nagpapatakbo sa pamahalaang Bangsamoro ay wala naman silang pag-alinlangan sa karapatan ng MILF-lead transition authority kung sino ang kanilang e rekomenda ng kanilang mga kinatawan sa Bangsamoro government na magmumula sa BARMM.
Idinagdag pa nila na ang mga usapin ng kapayapaan sa pagitan ng MILF at gobyerno ay dapat lamang ipagpatuloy at ito ay alinsunod sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB).
Sa pangkalahatan, nagpahayag ng pag-asa ang CSO-MMG na sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa, maisasakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. (Sahara A. Saban, Arna L. Kayog MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangramoroToday)