Bangsamoro Government sa pamamagitan ng MBHTE, at Tulong ng Australia, Naglunsad ng Plano para sa Madrasah Education sa BARMM
COTABATO CITY (Ika-20 ng Hulyo, 2024) — Inilunsad ng Bangsamoro Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang Madrasah Education Strategic Plan (MESP) na naglalayong mapahusay ang kalidad ng madrasah education sa rehiyon mula 2024 hanggang 2026, ito ay ginanap sa Makati City, nitong Huwebes ika-18 ng Hulyo.
Ang madrasah ay isang sistemang pang-edukasyon ng Islam na naglalayong linangin ang mga Muslim na mag-aaral upang maging matuwid at may dedikasyon. Ayon kay Bangsamoro MBHTE Minister Mohagher Iqbal, mahalaga ang sistemang ito sa pagtataguyod ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.
“Madrasah education is not just an education system but a way of life embodying our values,” ani Minister Iqbal.
Sinabi din ni Education Minister Iqbal na ang pagtatag ng public madrasah ay hindi lamang ito pagsunod sa Bangsamoro Organic Law o BOL ngunit ito anya ay hangarin ng Bangsamoro.
“Establishment of a public madrasah education system is not only a matter of compliance to the Bangsamoro Organic Law, it is an aspiration of our people,” dagdag pa nito.
Layunin ng MESP na mapabuti ang kalidad ng pormal na edukasyong madrasah sa rehiyon sa susunod na tatlong taon.
Ayon naman kay Moya Collett, Australian Embassy Deputy Head of Mission na ang Australian government na matagal na rin ang partnership sa BARMM, “Australia is a very longstanding partner of the BARMM in peace-building and we recognize that education is crucial to long-term stability and development.” Dagdag pa niya, “Australia remains committed to working with you in shaping a more peaceful and prosperous region.”
Sa kasalukuyan ay may dalawang parallel na pormal na sistema sa paghahatid ng basic education sa rehiyon sa Bangsamoro, ang pampublikong paaralan at ang sistema ng madrasah. Mayroong 373 pormal na madaris na nagbibigay ng K-12 at Islamic education sa 34,762 na mag-aaral sa rehiyon, at hindi bababa sa 720 di-pormal na madaris na naglilingkod sa 101,124 na mag-aaral.
Sa patakaran na binuo sa tulong ng pamahalaan ng Australia, ay sumuporta rin sa akreditasyon ng 444 non-formal madrasah. Sa kabuuan, mayroong 1,086,027 mag-aaral sa BARMM, kasama ang mga nag-enroll sa mga pribadong madaris.
Umaasa ang pamahalaang Bangsamoro na makipag pulong sa bagong Education Secretary Sonny Angara upang ipagpatuloy ang talakayan tungkol sa kurikulum ng madrasah. “We would like to see a situation wherein there will be an immediate meeting with the new secretary and discuss that issue of curriculum of madaris,” ani Iqbal.
Dagdag pa niya, “We need a clear and formal understanding or agreement with the Department of Education that graduates from the public madrasah can be admitted elsewhere in the Philippines and that would require a sort of a formal agreement with the DepEd.”
Sa forum, sinabi ng Ministry na nais nitong madagdagan ang bilang ng mga mag-aaral na Bangsamoro, anuman ang kasarian, physical ability, at social and economic status ng 30 percent sa 2028. (Hasna U.Bacol, BMN/BangsamoroToday)