Bangsamoro READi QRTs, tumugon sa Pamilyang Apektado ng Baha sa Special Geographic Area ng BARMM

(Litrato mula sa BARMM READi)

COTABATO CITY (Ika-18ng Hulyo, 2024) — Muling nagtungo ang Bangsamoro Readi Quick Response Teams (QRTs) upang tumulong sa mga pamilyang apektado ng baha sa Special Geographic Area bunsod ng Soutwest Monsoon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), noong Ika-16-17 Hulyo.

Ang Bansamoro READi QRTs ay nakipag tulungan sa mga pribadong indibiduwal at organisasyon tulad ng AFP, PNP, at BFP, upang magtungo sa bayan ng Ligawasan, SGA at tumulong sa mahigit isang daang residente sa barangay ng Rajamuda, Bagoinged, Buhol, Buliok at Balungis, na abot dibdib ang taas ng baha at lubog din ang karamihan sa mga kabahayan.

Samantala, ang inisyatiba ay naganap dahil sa maayos na koordinasyon ng BDRRMC EOC at ng lokal na pamahalaan ng ligawasan. Ang mga opisyal na itinalaga ng munisipiyo ng SGA ay kakaupo pa lamang, kaya’t inaalalayan ito ng pamahalaang rehiyon ng Bangsamoro. (Noron M. Rajabuyan, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD-BARMM Namahagi ng Relief Assistance sa 377 Pamilyang Apektado ng Baha sa SGA
Next post Pamilyang Bangsamoro na apektado ng Baha sa SGA BARMM tinulungan ng UBJP