WASH Facilities ng MSSD-BARMM, Maayos na naihatid sa Evacuation Center ng Matanog

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-16 ng Hulyo 2024) — Maayos na naihatid ang Water, Sanitation and Hygiene (WASH) facilities para sa mga apektado ng baha na kasalukuyang nananatili sa Evacuation Center ng Brgy. Poblacion, Matanog sa probinsya ng Maguindanao del Norte araw ng Lunes, ika-15 ng Hulyo.

Ang naturang pasilidad ay inihatid ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa pamamagitan ng kanilang Disaster Response and Management Division (DRMD) ng Bangsamoro government.

Kabilang sa mga naihatid na pasilidad ay limang (5) Tangke ng tubig kasama ang Hose na 1,300 meters ang haba, at labing-dalawang (12) yunit ng pasilidad para sa Palikuran.

Sa pamamagitan ng nabanggit na mga pasilidad ay magkakaroon ng malinis o ligtas na inuming tubig at palikuran ang mga pamilyang apektado ng Baha na nananatili pa rin sa Evacuation Center.

Samantala, ang MSSD ay patuloy na magsasagawa ng monitoring para sa mga posibleng tulong na kakailanganin pa ng mga apektadong pamilya.

Dagdag ng MSSD na malaki naman ang naging ambag ng mga naturang pasilidad upang masigurado ang kalusugan at kaligtasan ng mga tao sa nasabing lugar. (Norhainie S. Saliao, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro READi, Pinangunahan ni Atty. Abas ang Rescue Operations sa Matanog, MDN
Next post MSSD-BARMM Namahagi ng Relief Assistance sa 377 Pamilyang Apektado ng Baha sa SGA