UBJP Cadres Assembly, ginunita ang mga naiambag ng MNLF, MILF sa Pagkilala at Pagkamit sa Karapatan ng Bangsamoro
COTABATO CITY (Ika-15 ng Hulyo, 2024) — Sa isinagawang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) Cadres Assembly ay isang makabuluhang talumpati ang binigyang-diin ni UBJP President at BARMM Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim sa kahalagahan ng pagtanggap sa mga nakaraang laban bilang mga hakbang patungo sa mga hinaharap na adhikain.
Binigyang-diin niya na ang kanilang paglalakbay, pakikibaka tulad ng jihad na nagpalakas sa kanilang determinasyon, adbokasiya, at paglutas ng mga suliranin sa lugar ng Bangsamoro.
Inihayag ni Ebrahim ang mga pagsisikap sa loob ng mga politikal na pakikibaka tulad ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Pinuri niya ang patuloy na mga negosasyon na mahalaga sa pagpapanatili ng mga kasunduan tulad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), na naging daan sa pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon dito, ang pagpapasok ng Parliamentary System sa Pilipinas ay nakatakda na magsimula sa halalan na gagawin sa 2025, na nagtatakda ng mahalagang yugto sa kanilang matagal nang adbokasiya. Layon ng pagbabagong ito ay ang pagpapahusay ng kahusayan ng pamamahala at responsibilidad sa mga pangangailangan ng mga mamamayan ng Bangsamoro.
Bukod dito, kinilala din nito ang mahalagang papel ng Bangsamoro Army at Bangsamoro Islamic Armed Forces sa kanilang kolektibong paglalakbay patungo sa sariling-determinasyon at politikal na otonomiya.
Ipinunto ni UBJP President at BARMM Chief Minister Ebrahim ang kahalagahan ng pagpapanatili ng politikal na katatagan sa gitna ng mga hamon, upang tiyakin ang maayos na transisyon tungo sa epektibong pamamahala at reporma sa institusyon.
Ang UBJP Cadres Assembly isinagawa nitong araw ng Linggo, ika-14 ng Hulyo 2024 sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)