Office of the Civil Defense-BAR, Namahagi ng Tulong sa mga Pamilyang Apektado ng Baha

(Litaro mula sa Civil Defense BARMM)

COTABATO CITY (Ika-15 ng Hulyo 2024) — Namahagi ng tulong ang Office of the Civil Defense in the Bangsamoro Autonomous Region (OCD-BAR) sa mga pamilyang apektado ng Baha SA Matanog at Parang sa probinsya ng Maguindanao del Norte nitong Sabado ika-13 ng Hulyo.

Kabilang sa tulong na ibinahagi ay ang Shelter repair kits at Hygiene kits na nakatuon sa mga pamilyang nawasak ang tirahan dulot ng matinding pagbaha sa naturang mga lugar.

Sa Bayan ng Parang, ibinahagi ang 30 pakete ng Shelter repair kits at Hygiene kits sa Brgy. Pinantao, at sa Brgy. Bugasan sur naman ay 166 ang ipinamahagi sa pamilyang nawalan ng tirahan.

Ang naturang pamamahagi ay pinanguhan ni OCD-BAR Regional Director, Joel Q. Mamon sa tulong ng Service Support Battalion (SSBn) na mula sa 6th Infantry “Kampilan” Division (6ID) katuwang ang Marine Battalion Landing Team (MBLT)-2.

Samantala, binisita ni Director Mamon ang mismong lugar na apektado ng baha upang mapag-aralan ang mga kinakailangang tulong para isaayos ang mga napinsala. Kasalukuyang namang umaantabay ang Region office sa sitwasyon ng baha sa mga apektadong komunidad.

Ayon sa OCD-BAR, mananatili sila at sisikapin na makatugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng baha at patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng Regional office sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng Gobyerno pati na rin sa non-governmental organization para masigurado ang komprehensibong pagtugon sa mga nangangailangan ng tulong. (Norhainie S. Saliao, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 94,395 Katao Apektado ng Baha sa BARMM dahil sa Patuloy na Pag-ulan
Next post UBJP Cadres Assembly, ginunita ang mga naiambag ng MNLF, MILF sa Pagkilala at Pagkamit sa Karapatan ng Bangsamoro