MSSD Nagbigay Tulong at Nagtayo ng Tents para sa mga Apektado ng Baha sa Matanog, Maguindanao del Norte

Profiling at site assessment ng mga pamilyang apektado ng baha sa Matanog, Maguindanao del Norte (Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika -11 ng Hulyo, 2024) — Ang Disaster Response team ng Ministry of Social Services Development (MSSD) ay nagsimula ng magsagawa ng tents bilang pansamantalang tuluyan ng mga pamilyang apektado ng baha sa Matanog, del Norte, nitong ika-10 ng Hulyo, 2024.

Limampung (50) tents ang naipatayo ng MSSD sa nasabing lugar para sa pamilyang naapektuhan ng baha at patuloy parin ang pagmomonitor ng MSSD kung sakaling kinakailangan dagdagan ang mga tents.

Ang layunin ng MSSD upang magkaroon ng pangkasulukuyang tirahan ang mga nasabing apektado ng flash flood.

Samantala, pinalakas din ng MSSD ang profiling at site assessment ng mga pamilyang apektado ng baha sa Matanog para maisama sila sa Internally Displaced Persons Profiling and Response Tracking (iPART) System. Ang iPART ay isang bagong sistema na binuo ng MSSD upang mapabuti ang profiling at validation processes sa field tuwing may humanitarian crises.

Pinsala ng flash flood sa Matanog, Maguindanao de Norte. (Litrato mula sa MSSD-BARMM)

Bagama’t naroon din ang mga quick reaction teams para sa mga paunang assessment ng mga apektadong lugar, sinabi ni Hayanifah Maca-angga, Information Data Management ng MSSD, na “ang inisyatibong ito ay nagpapabilis ng mas maraming suporta para sa mga Internally Displaced Persons (IDPs) at nagpapabuti sa aming response tracking.”

Ang tulong na ito mula sa MSSD ay patunay ng kanilang mabilis na aksyon at patuloy na pagsusumikap upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng sakuna. (Arfa A. Esmail MSU-Maguindanao OJT ABIS Student BMN /BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UBJP patuloy ang mga Programa bilang Paghahanda sa 2025 Elections
Next post MP Antao, Nakipagpulong sa mga OIC Mayor at Vice Mayor ng SGA-BARMM