MP Antao, Nakipagpulong sa mga OIC Mayor at Vice Mayor ng SGA-BARMM

(Litrato mula kay MP Mohammad Kelie U. Antao Facebook Page)

COTABATO CITY (Ika-11 ng Hulyo 2024) —Nakipagpulong si MP Mohammad Kellie U. Antao sa mga Newly Appointed Officer-in-Charge (OIC) Mayor at Vice Mayor ng Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para pag-aralan ang magiging istruktura ng Local Government Units(LGUs) ng SGA sa isinagawang Brainstorming on Structuring the Newly Created Municipalities of the Special Geographic Area na naganap sa Hill Park Inn and Hotel, Midsayap, Cotabato nitong ika-9 ng Hulyo.

Bilang paghahanda sa agarang operasyon ng bagong tatag na munisipalidad sa SGA, pinulong ni MP Antao ang bawat Mayors at Vice Mayors ng walong (8) municipalities ng SGA upang makiisa sa palitan ng idea ukol sa magiging istruktura ng kani kanilang LGUs.

Samantala, naimbitahan din sa naturang programa ang Municipal Planning and Development Coordinator kasama ang Municipal Treasurer ng Datu Salibo Municipality ng Maguindanao del Sur upang makapagbahagi ng kanilang mga karanasan noong binuo ang istruktura ng kanilang bayan.

Ayon pa sa kay MP Antao, naging produktibo naman ang nasabing aktibidad, malaki ang naging ambag nito sa pagbuo ng istruktura at pagsasaayos ng pagtatalaga sa mga empleyadong magpapatakbo sa operatsyon ng mga munisipalidad sa SGA. (Norhainie S. Saliao, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD Nagbigay Tulong at Nagtayo ng Tents para sa mga Apektado ng Baha sa Matanog, Maguindanao del Norte
Next post Estudyanteng Bangsamoro mula sa Jordan, Idinaos ang Unang General Assembly sa Cotabato City, UBJP Suportado