Estudyanteng Bangsamoro mula sa Jordan, Idinaos ang Unang General Assembly sa Cotabato City, UBJP Suportado
COTABATO CITY (Ika-11 ng Hulyo 2024) – Isinagawa ang unang General Assembly of Students from the Hashimite Kingdom of Jordan na inorganisa ng Hay’atu Ulama El Muslimina Bil Filiben, at sinuportahan ng Office of the Vice President for Ulama Sector-UBJP Hon. Abdulwahab M. Pak, na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, BARMM Compound, Cotabato City, ngayong araw, ika-11 ng Hulyo.
Dinaluhan ng mahigit 300 estudyante mula sa iba’t ibang lugar na nakapag-aral sa Jordan ang programa. Ang mga partisipante ay nagmula sa Sarangani Province, General Santos, South Cotabato, Special Geographic Area (SGA), Iranun, Lanao, Pagadian, Davao, Maguindanao del Sur, at Maguindanao del Norte.
Nagbigay ng mensahe bilang suporta sa Bangsamoro Government sina Shiekh Muslimin Guiamadin, Wali ng Bangsamoro; Shiekh Said Salindab, Member of the Parliament (MP) Commission of Pilgrimage Authority; Shiekh Abdulwahab M. Pak, Vice President for Religious Sector; at Shiekh Nhorul-am A. Abdullah, MP-IM Chairman, Com on Dawah at Masajeed Affairs Bandar.
Ayon kay Ustadza Faudzia Ibrahim, isang dating estudyante sa Hashimite Kingdom of Jordan, malaki ang kanyang pasasalamat sa BARMM dahil nagkaroon sila ng General Assembly na nagtipon-tipon ang lahat ng nag-aral sa Muta University of Jordan upang ipakita ang suporta sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP).
Aniya, “Ang pinaka-achieve natin dito ay ma suportahan natin ang United Bangsamoro Justice Party, In shaa Allah. Todo support kami, lahat ng nandito ay todo support kami, 100% na support kami sa UBJP, In shaa Allah. Sa katunayan, ako po ay ina ng United Bangsamoro Justice Party.”
Ayon kay Saidy Ahmad Motaner, ang layunin ng nasabing asembleya ay upang magkaroon ng pagkakaisa, kaunlaran, at pagpapakita ng suporta sa gobyerno ng BARMM at Partido ng UBJP mula sa mga estudyanteng nagmula sa Jordan. (Jowairia A.Abas, Sopia A. Angko, Norhana E.Abdulnasser, Risna B.Abdulkarim, Arna L. Kayog, Norhainie S. Saliao, Refaida M. Diro, Nurhaya A. Esmail, Arfa A. Esmail, Noraima A. Samad, Normina M. Kendayo, Fatima G. Guiatel, Rahima K. Faisal, Badria L. Mama, Noron M. Rajabuyan, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)