4Ps Beneficiaries sa Masiu, LDS lumahok sa Parents Effectiveness Seminar
COTABATO CITY (Ika-11 ng Hulyo, 2024) — Isinagawa ang Parents Effectiveness Seminar ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) mula sa Munisipyo ng Masiu, Lanao del Sur noong ika-4 ng Hulyo, na regular na ginagawa upang mapalakas ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa kanilang tungkulin bilang magulang.
Target ng MSSD ang 60 na miyembro ng 4Ps at binigyang diin ng Seminar na ito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang Livelihood Association para sa mga magulang sa kanilang lugar, hindi lamang ito magbibigay sa kanila ng kabuhayan kundi, kabilang ang matibay na pakikipagtulungan ng mamamayan at pagpapalakas ng ugnayan ng bawat magulang sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Ang mga lumahok na mga magulang ay gagawa ng isang samahan o pagkakaisa upang magsilbi bilang pundasyon sa kanilang pinili na mga gawaing pangkabuhayan para mapanatili ang kita ng kanilang pamilya at para madagdagan ang kanilang iba pang pangangailangan sa pagkain, Edukasyon, at Kalusugan. ( Nurhaya A. Esmael, MSU-Maguindanao OJT AB-IS student, BMN/BangsamoroToday)