Layag Bajau Program ng MSSD-BARMM, 60 Benipesyaryo nabiyayaan sa Tawi-Tawi
COTABATO CITY (Ika-9 ng Hulyo, 2024) — Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay nagsagawa ng Layag Bajau Program para sa 60 Bajau families na binigyan ng rice subsidies mula sa minisipyo ng Mapun, Tawi-Tawi nitong sabado ika-6 ng Hulyo.
Sa ginanap na programa, ayon pa sa MSSD post sa social media, ang bawat pamilyang Bajau ay nabigyan ng isang sako ng bigas at isang welfare box na naglalaman ng sari-saring mga delata, tulad ng sardinas, corned beef, tuna at instant coffee.
Isa sa pangunahing programa ng MSSD ang Layag Bajau, partikular na inihanda para sa mga Bajau upang masuportahan ang kanilang pamumuhay sa pang araw-araw.
Samantala, ang MSSD ay naghahanda ng ibat-ibang serbisyo upang matiyak ang mga inklusibong serbisyo para sa mga nangangailangan ng tulong upang maiangat ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng tulong sa kabuhayan, edukasyon, serbisyo sa kalusugan at nutrisyon. (Noron M. Rajabuyan, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)