BARMM Delegates dumating na sa Cebu City para sa Palarong Pambansa 2024
CEBU CITY (Ika-5 ng Hulyo, 2024) — Dumating na sa Lungsod ng Cebu ang nasa mahigit 600 na atleta, coaches, committees, cook, matataas na opisyales ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ng Bangsamoro region sa pangunguna ni Minister Mohagher M. Iqbal at ang Bureau Director for Physical Education and Sports Development Dr. Yusoph Thong Amino bilang paghahanda sa pagsabak ng mga atletang Banagsamoro sa Palararong Pambansa 2024, ang taunang national sports competition ng bansa.
Ayon kay Dr. Amino, lalahukan ng BARMM region ang 22 main sports at 4 special games, kabilang dito ang badminton kung saan sasabak ulit ang 2023 Palarong Pambansa gold medalist sa badminton Jamal Rahmat Pandi ng Lanao del Sur na nagbigay ng karangalan sa Bangsamoro.
Si Pandi ay binigyang pugay pa ng Bangsamoro government sa pagsabak nito noong ika-63rd Palaro 2023 na ginanap sa Marikina City sa pamagitan ng pagpasa ng isang resolusyon ng Bangsamoro Transition Authority ng BARMM.
Kabilang din sa larong sasalihan ngayon na nag-qualify sa palaro ang BARMM ayon pa kay Dr. Amino ay ang swimming at athletics, ito ay sa kabila ng wala pa anyang rubberized track and field ang Bangsamoro region.
Samantala, sa pagpupulong ngayong araw ng BARMM Delegates Officials, ay masayang ibinahagi ng Bureau Director ang “good news” dahil sa naglaan ng PhP1.5M ang Bangsamoro Sports Commission sa pamumuno ni Dr. Arsalan Diamaoden bilang financial assistance para sa mga atleta.
Dumalo din sa pulong ang tatlong Barangay Chairman kabilang ang Kapitan ng lugar ng host billeteng schools, ang Zapatera Elementary at National High School sa Sikatuna St., at dalawa nitong Schools Principal. Nagpaabot ng pasasalamat si Dr. Amino sa barangay officials sa kanilang tulong, gayundin sa host billeting schools.
Ang tatlong Kapitan ay magpapadala ng standby ambulance ng barangay, seguridad, mangolekta ng basura, at titiyaking sapat ang supply ng tubig sa billeting school.
Sa security protocol, ay hindi maaring matulog sa billeting schools ang hindi kasama sa delegasyon, kinakailangan din ang swipe in – swipe out ng ID card sa bawat lalabas at papasok ng billeting schools.
Dumalo din ang BARMM Delegates Official sa Orientation of RSOs, Delegation Media In-Charge, Parade In-Charge and Clean and Green In-Charge na ginanap sa Cebu City Sports Center. Dito ay pinag-usapan ang mga gagawing aktibidades sa palaro.
Ayon sa organizer, pormal na mag-uumpisa ang programa sa araw ng Martes, ika-9 ng Hulyo pagsapit ng alas-dos (2 PM) ng hapon sa pamamagitan ng parada, at mga mensahe ng opisyales ng Palaro. Batay sa nakuhang impormasyon ng BMN at BangsamoroToday, sa July 10 gagawin ang palarong lahi, July 11-15 ay ang proper competition, July 14 ang partners appreciation nights, at July 16 ay ang closing ceremony. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)