Training Induction Program sa Marawi City, Nagbigay Pag-asa sa 211 na IDPs
COTABATO CITY (Ika-2 ng Hulyo, 2024) —Nagkaroon ng bagong pag-asa ang 211 Internally Displaced Persons (IDPs) mula sa Most Affected Area (MAA) ng Marawi City nang idaos ang isang malawakang Training Induction Program sa JMM Abdul Basher Function Hall, Matampay, Marawi City noong ika-28 ng Hunyo.
Sa ikalawang pagkakataon, ang MBHTE TESD LDS Provincial Office at MRP-PMO BARMM ay nagkaisa upang magbigay ng libreng skills training sa mga IDPs.
Sa pamamagitan ng pagsasanay sa Electrical Installation and Maintenance NC II, Carpentry NC II, at Masonry NC II, binibigyan nila ng pagkakataon ang mga IDPs na magkaroon ng sapat na kasanayan para makatulong sa muling pagbuo ng kanilang mga tahanan na nasira sa Marawi City.
Ang programang ito ay naglalayong hindi lamang magbigay ng teknikal na kasanayan kundi pati na rin ng bagong pag-asa at direksyon sa buhay ng mga naapektuhan ng kaguluhan. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)