OOBC, Host sa Flag Ceremony ng Bangsamoro Government
COTABATO CITY (Ika-2 ng Hulyo, 2024) — Isinagawa ang pangalawang flag raising ceremony, na pinangungunahan ng Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) na ginanap sa Bangsamoro Government Center sa Lungsod nitong Lunes, ika-1 ng Hulyo.
Kasunod ng flag ceremony, tinalakay naman ni Norhan Hadji Abdullah, OOBC Division Head ang tungkol sa mga mandato ng OOBC at kahalagahan nito sa loob ng Bangsamoro Government, kung saan Tinalakay din ito ni Prof. Noron S. Andan, OOBC Executive Director sa OOBC Talk Show Program na “Bangsamoro ka, Saan ka man” na ginanap sa Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Studio noong ika- 27 ng Hunyo.
Binigyang diin naman ni Division Head Abdullah, ang kahalagahan ng koordinasyon at kolaborasyon sa pagitan ng opisina at stakeholders para sa posibleng interbensyon sa OOBC.
Samantala, sinabi din nito na ang OOBC ay ginawa upang masigurado ang proteksyon at karapatan ng mga Bangsamoro, at ito ay nagsisilbing opisina para sa Bangsamoro Communities na naninirahan sa labas ng BARMM. (Noron M. Rajdbuyan, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)