Indigent Senior Citizens sa Tawi-Tawi at Sulu, Tumanggap ng Pension mula sa SocPen Program ng MSSD
COTABATO CITY (Ika-2 ng Hulyo, 2024) — Ang 255 na Indigent Senior Citizens ay nakatanggap ng pension mula sa Social Pension (SocPen) Program ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa Munisipalidad ng Simunul, Tawi-Tawi, BARMM nitong Hunyo 30, 2024.
Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng PhP6,000 bawat isa. Ang 99 na mga benepisyaryo ay nagmula sa Barangay Tampakan, 75 ang mula sa Barangay Sokah Bulan, 49 ang mula sa Pagasinan at 32 naman ang mula sa barangay Ubol.
Ayon sa MSSD, layunin ng SocPen Program ay upang maka tulong na matugunan ang pangangailangan ng mga Senior Citizens para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan, mga gamot, at iba pa.
Samantala, 682 indigent senior citizens din sa Pangutaran, Sulu ang nakatanggap ng tulong ng Bangsamoro government noong ika-26-28 Hunyo.
Bawat senior citizen ay nakatanggap din ng PhP6,000 financial subsidy para sa anim na buwan na naipong financial assistance ng MSSD.
Kabilang sa mga benepisyaryo, ay ang 188 mula sa Brgy. Pandan Niog, 113 ng Brgy. Lumahdapdap, 79 ng Brgy. Bangkilay, 71 ay taga Brgy. Kehi Niog, 62 mula sa Brgy. Lantong Babag, 61 naman ay mula sa Brgy. Panitikan, 58 galing sa Brgy. Kawitan, 49 sa Brgy. Panducan, at 15 ay mula naman sa Brgy. Alu Bunah. (Normina M. Kendayo, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)