Bangsamoro Gov’t. namigay ng tulong sa 5,000 Pamilya na apektado ng El Niño sa Tawi-Tawi
COTABATO CITY (Ika-30 ng Hunyo ) — Nakipagtulungan ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa Office of the Chief Minister’s project TABANG upang mabigyan ng relief assistance ang nasa 5,000 pamilyang apektado ng tagtuyot o El Niño sa Tawi-Tawi.
Sa ilalim ng Disaster Response and Management Division (DRMD) ng MSSD, ipinatupad ang proyekto bilang tugon sa agarang pangangailangan para sa humanitarian assistance dahil sa masamang epekto ng El Niño sa Tawi-Tawi. Ayon sa opisyal na mga ulat, ang lalawigan ay hirap sa pagkain at kakulangan ng tubig bunsod ng matinding tagtuyot na naranasan.
Bilang bahagi ng sama-samang agarang pagtugon, namahagi ang MSSD na binubuo ng 5,000 sako ng bigas at pagkain na naglalaman ng assorted canned goods at instant coffee, 1,500 water kits kabilang ang jerry cans, water dipper (tabo), at aquatab upang masustina ang malinis na inuming tubig, 1,000 hygiene kits na naglalaman ng malong, bath soap, bath towel, shampoo, toothpaste, toothbrush, ethyl alcohol, at sanitary pads, kasama ang 55 jetmatic water hand pumps.
Ayon pa sa MSSD, ang mga pamamahaging ito ay inilaan para sa 5,000 indibidwal mula sa iba’t-ibang komunidad sa loob ng Tawi-Tawi, na mabigyan ang lahat ng mga higit na nangangailangan ng agarang suporta.
Ang pamamahagi ng Bangsamoro government ay isinagawa ng sistematiko upang matiyak ang pantay na pag-access at epektibong paghahatid ng tulong sa mga benepisyaryo. Binigyang-diin ng mga opisyal ng MSSD ang kahalagahan ng pagbibigay ng komprehensibong tulong upang matugunan hindi lamang ang mga alalahanin sa seguridad ng pagkain kundi pati na rin ang mga mahahalagang pangangailangan para sa malinis na tubig at wastong sanitasyon, sa gitna ng mga mapanghamong kondisyon sa kapaligiran.
Ang Project Tabang Convergence Activity ay binigyang diin ang pangako ng MSSD na pahusayin ang katatagan ng mga bulnerableng populasyon sa Tawi-Tawi, pangalagaan ang kanilang kapakanan sa panahon ng krisis at sakuna, agarang tulong sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon. Ang MSSD ay layuning maibsan ang socio-economic impacts ng natural disasters at maitaguyod ang tuloy-tuloy na pagbangon ng mga apektadong lugar sa Bangsamoro. (Noraima Abdul Samad, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)