MOST Grand Winner bilang “Most Digitally-Transformed Ministry”
COTABATO CITY (Ika-28 ng Hunyo, 2024) Pinagdiriwang ng ika-3 ng Bangsamoro ICT Summit at expo 2024, kinilala ang Ministry of Science and Technology (MOST) ng Bangsamoro Government bilang Grand Winner sa kategoryang Most Digitally-Transformed Ministry sa iba’t-ibang ministries, opisina, at ahensya nitong huwebes ika-27 ng Hunyo, sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Bangsamoro Government Center, Cotabato City.
Kinilala rin si Ginoong Mansur Panalangin, isang Senior Science Research Specialist sa MOST, para sa kanyang natatanging pananaliksik at inobasyon sa Information and Communication Technology (ICT). Ang proyekto ay pinamagatang ” IOT-Knowledge Based Architecture on the Development of the Daily Time Records System for MOST” ang natanggap ng papuri.
Ang summit ay naging bahagi ng pagdiriwang ng 2024 National ICT Month na nagpapakita ng mga teknolohiya at inobasyon na nagbibigay ng makabuluhang ICT interventions sa Bangsamoro region.
Ang pagkilala sa MOST bilang Most Digitally-Transformed Ministry ay nagpapakita ng dedikasyon ng Bangsamoro Government sa modernisasyon at pagpapabuti ng kanilang mga serbisyo. Ito ay magdudulot ng mas mabilis at epektibong serbisyo sa mga mamamayan ng rehiyon, magpapataas ng moral ng mga kawani, at maghihikayat ng higit pang inobasyon.
Ayon sa MOST ang ganitong parangal ay nagtatatag ng positibong imahe ng Bangsamoro Government at nagpapalawak ng potensyal ng teknolohiya sa paglutas ng mga lokal na problema, na maaaring magbukas ng mas maraming oportunidad para sa ICT initiatives sa rehiyon. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)