Ceasefire Agreement Isinagawa sa Shariff Aguak, Maguindanao Del Sur
COTABATO CITY (Ika-28 ng Hunyo, 2024) — Matagumpay ang isinagawang Ceasefire Agreement ng Peace, Security and Reconciliation Office (PSRO), LGU Shariff Aguak, at Tropang Militar sa pagitan ng grupo nina Barangay Calatin Ais at Boy Trenta sa Barangay Bialong noong ika-25 ng Hunyo.
Matatandaan na nagsimula ang nasabing gulo sa Meta, Datu Unsay Ampatuan, Maguindanao Del Sur nito lamang mga nagdaang araw na naging sanhi ng muling pag-usbong ng nasabing alitan sa dalawang panig.
Umaasa ang lahat na ang ceasefire agreement na ito ay magiging daan para sa tuluyang kapayapaan at pagkakasundo sa pagitan ng mga nag-aaway na grupo, at magbubukas ng pinto para sa mas maliwanag na kinabukasan para sa mga residente ng Shariff Aguak at karatig-bayan.
Ang lahat ay umaasa na maging daan ang ceasefire agreement para sa kanilang katahimikan at tuluyang magkasundo ang dalawang may-alitan at para magbukas ng pinto sa mas maliwanag na kinabukasan ng mga residente at karatig-bayan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)