Pagpapalakas ng Bangsamoro Communities sa Labas ng BARMM, Tinalakay sa Programang “Bangsamoro Ka, Saan Ka Man”

“Bangsamoro Ka, Saan Ka Man” Talk show program ng Office of the Chief Minister (OCM) Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) na inilunsad araw ng Huwebes, June 27, 2024 sa BMN Studio, Tamontaka Mother, Cotabato City. (Litratro ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-27 ng Hunyo, 2024) — Sa isang talk show program na “Bangsamoro Ka, Saan Ka Man” ng Office of the Chief Minister (OCM) sa pamamagitan ng Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC), ibinahagi ang tungkol sa OOBC, mandato, tungkulin, vision, mission, mga pangunahing halaga, at konteksto nito. Ang special guest ay si OOBC Executive Director, Prof. Noron S. Andan, MPA, MAED at napanood ang programa sa live streaming ng Bangsamoro Multimedia Network (BMN) nitong ika-27 ng Hunyo, 2024.

Layunin ng OOBC na ipaalam sa bawat mamamayang Bangsamoro na sila ay bahagi ng mga pangako ng mga lider na walang maiiwan sa mga serbisyong ipinamamahagi ng Bangsamoro Government.

Ang OOBC ay naka-anchor sa ratification ng Republic Act 11054 o Bangsamoro Organic Law (BOL), partikular sa Section 12, Article 6 na nagsasaad ng “assistance to other Bangsamoro Communities.” Ito ay nangangahulugang lahat ng Bangsamoro Communities sa labas ng BARMM territory ay bahagi pa rin ng BARMM Government, kasama ang National Government sa proteksyon ng kanilang mga karapatan at sa pagsulong ng kanilang rehabilitasyon at kaunlaran.

Itinatag ang OOBC bilang bahagi ng Office of the Chief Minister upang masiguro ang proteksyon ng mga karapatan at pagpapahusay ng kaunlaran ng mga komunidad ng Bangsamoro sa labas ng BARMM. Ang mga serbisyo ng OOBC ay kinokoordina sa iba’t ibang Bangsamoro Ministries, Agencies, at Offices upang magbigay ng mga kinakailangang serbisyo sa mga Bangsamoro na nasa labas ng BARMM.

Mahalaga ang pagkakaroon ng OOBC dahil ito ang patunay na ang kasalukuyang mga lider ng BARMM ay hindi nag-struggle para sa kanilang sariling interes, kundi para sa kapakanan ng lahat ng Bangsamoro, kahit sa mga nasa labas ng BARMM. Ang kanilang adhikain ay inclusivity at moral governance, ayon na rin sa prinsipyo ni Chief Minister Hon. Ahod Ebrahim.

Ang mga tungkulin ng OOBC ay kasama ang pag-rekomenda ng angkop na mga proyekto, polisiya, at mga sistematikong programa para sa kapakanan ng mga Bangsamoro na nasa labas ng BARMM, sa koordinasyon sa mga local government units. Ang OOBC ay hindi isang implementing office, kundi isang coordinating body na nag-uugnay sa iba’t ibang ahensya upang matugunan ang pangangailangan ng mga Bangsamoro.

Pinaalalahanan ni Prof. Andan ang lahat ng Bangsamoro na magtiwala sa kanilang mga lider at sa proseso ng gobyerno. “Ang mga lider natin ay totohanan sa binibitawan nilang salita na walang iwanan, inclusivity that is along with the moral governance na principle of moral governance na in-advocate ni Chief Minister Hon. Ahod Ebrahim. So tiwala lang po sa mga lider natin, magtiwala lang po tayo at huwag mawalan ng pag-asa, kasi ito na ang taglay natin Bangsamoro kung saan ka man.”

Kasama ang buong pwersa ng BMN sa pangunguna ng Executive Director nito na si Faydiyah S. Akmad, technical crew at host na si Datumin M. Eskak sa tulong ng OOBC Staff ay naging maayos ang programa. Inaasahan na magkakaroon ng Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng OOBC at BMN para sa pagpapatuloy ng Takllkshow
Program na mapanaood sa BMN tuwing huling lingo sa bawat buwan araw ng Huwebes, simula 10:30 AM hanggang 11:30 AM. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MP Kelie Antao Pinangunahan ang Pamamahagi ng ₱2.9 Milyon sa mga Apektadong Komunidad sa SGA BARMM
Next post 24 Former Young Combatants sa BaSulTa dumaan sa Mandatory Training on Cooperative Governance and Management ng BYC