Mapping Activity para sa Implementasyon ng Matatag Curriculum sa 2024, Isinagawa ng MBHTE

(Litrato mula sa Curriculum and Instruction Division o CID ng DGBE-MBHTE)

COTABATO CITY (Ika-26 ng Hunyo, 2024) —Nagsimula nang magsagawa ng mapping ang Directorate General for Basic Education (DGBE) ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) gamit ang Contextualized Basic Education Curriculum framework na ginanap sa General Santos City nitong ika-19 hanggang ika-24 ng Hunyo.

Ayon pa sa Kulintang: SGA Gazette, ang aktibidad ay pinangasiwaan ng pangkat ng DGBE Curriculum and Instruction Division (CID) sa pangunguna ng OIC chief for Education Program Specialist ll na si Abdulbasit Talicop at naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng ilang kasapi ng DGBE na kinatawan ng System’s Director ng Ugnayan ng Pahinungod na si Marie Therese Angelie P. Bustos, PhD at ang Tagapangulo ng Division of Educational Leadership at Professional Services na si Joel C. Javiniar PhD na isang propesor mula sa University of the Philippines (UP) kasama si G. Saddam Blazer, isang Technical Adviser para sa Edukasyon ng Save the Children.

Sa ginanap na aktibidad, nagkaroon ng pagtatasa sa Learning Competencies ng Matatag Curriculum ayon sa pagkakahanay sa katangian ng mga mag-aaral na tinukoy ng Basic Education Code (BEC) at Moral Governance in Education (MGE). Kabilang sa mga katangiang ito ay ang pagiging matuwid, malusog, mga tagapangasiwa sa kapaligiran, matatag at maagap, mapanuri at matalino mag-isip, lifelong learners at empowered Bangsamoro.

Para naman sa pag-aaral na hindi nakahanay, pag-aaaralan at tutukuyin pa ng grupo ang mga interbensyon upang matiyak ang pagkakahanay sa mga katangian ng mga mag-aaral at ang prosesong ito ay inilapat sa bawat uri ng pag-aaral upang maiangkop sa mga natukoy na grado mula kindergarten hanggang sa ikapitong baitang.

Samantala, nagpadala na kanikanilang kalahok ang sampong dibisyon mula sa labing-isang dibisyon na may iba’t ibang kadalubhasaan sa pag-aaral upang siyasatin ang makabagong kurikulum.

Kabilang sa nakilahok, maliban sa Lamitan City Division Office, ay ang Division ng Tawi-Tawi na mayroong 8 katao na kalahok, 10 katao mula sa Basilan, 10 katao mula sa Sulo,11 katao mula sa Marawi, 12 sa Lanao Del Sur l, 12 rin sa Lanao Del Sur ll, 12 katao sa Maguindanao Del Norte, 12 mula sa Maguindanao Del sur, 12 mula sa Cotabato City at 11 na kalahok mula sa Special Geographic Area (SGA) ng BARMM. Sa kabuan mayroong 110 kalahok ang dumalo at nakilahok sa mapping ng Matatag Curriculum.

Ang parehong grupo ay bubuo ng Teacher’s Reference Guide (TRG) at Learning Activity Sheet (LAS) kaakibat nito, magpapatala ng maraming bilang ng guro bilang manunulat, layout artists, eksperto sa wika, illustrator, at learning resources evaluator. (Norhainie Saliao, MSU-Maguindanao OJT BSIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bagong Teaching at Non-Teaching Personnel ng MBHTE sa Cotabato City, Nanumpa
Next post MP Kelie Antao Pinangunahan ang Pamamahagi ng ₱2.9 Milyon sa mga Apektadong Komunidad sa SGA BARMM