Bagong Teaching at Non-Teaching Personnel ng MBHTE sa Cotabato City, Nanumpa

COTABATO CITY (Ika-26 ng Hunyo, 2024) —Isinagawa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang seremonya ng panunumpa at paglagay sa mga bagong itinalagang pitumpung (70) kawani na mga teaching and non-teaching personnel mula sa Schools Division Office ng Cotabato City (SDOCC) na pinangunahan ni education Minister Mohagher M. Iqbal na ginanap nitong Lunes, ika-24 ng Hunyo, sa Notre Dame Village Elementary School (NDVES) sa Lungsod.

Binigyang diin ni Minister Iqbal na ang moral na pangako ng mga bagong kawani sa kanilang mga tungkulin, kahalagahan ng integridad sa kanilang mga gawain, at hinihikayat din silang gampanan ang kanilang mga trabaho nang may katapatan at dangal ang ilan lamang sa kanyang payo. Anya pa, ang pinaka magandang uri ng edukasyon ay ma’ address nya ang mga kinakailangang bigyan ng pansin dito sa mundong ibabaw at kabilang buhay.

BARMM Education Minister Mohagher M. Iqbal pinangasiwaan ang pagsasagawa ng Oath-Taking Ceremony sa mga bgong kawani ng MBHTE. (Litrato mula sa MBHTE-BARMM)

“We will do everything possible, to the best of our abilities, to hire more and more teachers kasi dito nakasalalay ang future ng Bangsamoro,” pahayag ni Minister Iqbal.

Sa kasalukuyan ang libu-libo na ang na hired ng MBHTE na mga guro sa buong Bangsamoro region mula sa 11 schools division offices.

Pinuri naman ni Dr. Concepcion Balawag, Superintendent ng Schools Division ng SDOCC, ang mga bagong appointee at binigyang-diin ang malaking responsibilidad na kaakibat ng kanilang mga posisyon. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD-BARMM Namahagi ng Tulong Pinansyal sa CDWs SNP, Para-Social Workers at Kupkop Program, Senior Citizen sa LDS
Next post Mapping Activity para sa Implementasyon ng Matatag Curriculum sa 2024, Isinagawa ng MBHTE