MSSD-BARMM Nagturn-Over ng ₱480K Subsidy sa Orphanage Center ng Matanog, MDN

COTABATO CITY (Ika-18 ng Hunyo, 2024) — Kasabay ng pagdiriwang sa Eid’I Adha noong Linggo, ika-16 ng Hunyo, 2024, ibunigay ni Atty. Raissa H. Jajurie, Minister ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) kay Mayor Zohria Bansil- Guro ng Matanog ang ₱480,000.00 para suportahan ang operasyon ng orphanage sa Matanog, Maguindanao del Norte.

Ang Matanog Orphanage Center, na pinamamahalaan ng LGU ng Matanog, ay kasalukuyang kumakalinga sa 160 na mga ulila na may edad na 6 hanggang 14 na taon. Apatnapu (40) sa mga ulilang ito ay nawalan ng parehong magulang. Samantala, ang natitira ay nawalan ng alinman sa kanilang ina o ama, at ngayon ay nasa pangangalaga ng nasabing ampunan.

Ang nasabing kaganapan ay bahagi ng mga subsidiyang ibinibigay ng Ministry para sa mga kwalipikadong orphanage centers na nag-ooperate sa buong Rehiyon ng Bangsamoro, sa ilalim ng Child and Youth Welfare Program ng MSSD.

Ayon kay Minister Jajurie, ang Gobyerno ng BARMM sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law (BOL), ay may mandatong igalang, protektahan, at itaguyod ang mga karapatan ng mga bata, lalo na ang mga batang ulila.

Ang pagbisita ni Minister Jajurie sa mga batang ulila ay kasama nito sina Director II Zoraya Masakal, Protective and Welfare Services Division Chief Sandra Macacua, Supervising Administrative Officer Jane Abdul, at nasaksihan naman ang pag turn-over ng nasabing tseke ni Vice Mayor ng Matanog na si Sanaira Ibay Ali Imam kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Alhaj Murad Ebrahim: Optimistiko na karamihan sa mananalong kandidato sa gaganaping Unang Parliamentary Election ng BARMM sa 2025 ay mula sa UBJP
Next post BMN, MSU-Maguindanao lumagda ng MOA, 15 Islamic Studies Students nagsimula na sa OJT