MOTC- BARMM Pinaigting ang Pagpapatayo ng Bagong Proyekto sa Rehiyon

(Litrato mula sa MOTC-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-14 ng Hunyo, 2024) —Nilagdaan ng Ministry of Transportation and Communications (MOTC) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang Memorandum of Agreement ng mga proyektong Imprastruktura sa rehiyon, tulad ng installation ng Solar Street Lights sa Cotabato Awang Airport, konstruksyon ng Water Facility sa Cotabato Awang Airport at Sanga-Sanga Airport, Renewal ng Security Services sa Mega Moon Security and Investigation Services, Construction ng Security Fence sa Sanga-Sanga Airport, at Construction ng River Landing sa Buliok, Pagalungan, Maguindanao na ginanap kahapon, araw ng Huwebes, ika-13 ng Hunyo, 2024.

Ayon sa MOTC, sa ilalim ng contract ID 241GAAB00004, ang proyekto sa Cotabato Awang Airport tulad ng installation ng Solar Street Lights ay nagkakahalaga ng ₱4,107,356.80 at ang konstruksyon ng Water Facility naman ay nagkakahalaga ng ₱4,049,091.57 na pinangungunahan ng Sicario Builders na may tanggapan sa 0036 Ceanuri Village, Camague, Toninobo, Iligan City, at pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act of the Bangsamoro.

Isa pang mahalagang proyekto sa ilalim ng contract ID 241GAAB0001 ay ang konstruksyon ng Water Facility sa Sanga-Sanga Airport na nagkakahalaga ng ₱4,552,037.27. Ang proyektong ito ay ipinagkatiwala sa Maryam Aisha Construction, sa pangunguna ni Mohzimar B. Balang, na may tanggapan sa Nurby Subdivision, Talon-Talon, Zamboanga City.

Isa rin sa mga proyekto na may kontratang ID 241GAAB002 ang konstruksyon ng Security Fence sa Sanga-Sanga Airport, na nagkakahalaga ng ₱3,632,990.08 na iginawad sa Musain Corporation, na pinamumunuan ni Renier Musain, na may tanggapan sa 9D Blue Shark Trading Building, Mayor Jaldon Street, Canelar, Zamboanga City.

Maliban dito, ang renewal ng Security Services sa Mega Moon Security and Investigation Services, sa pamumuno ni Atty. Joseph Go Jr., na ang tanggapan ay matatagpuan sa Puretan Building, 202 Sinsuat Avenue, Rosary Heights 10, Cotabato City. Ang patuloy na pagtitiwala sa kanilang serbisyo ay nagpapakita ng kanilang kahusayan at dedikasyon sa pagbibigay ng seguridad.

Samantala, para sa konstruksyon ng River Landing sa Buliok, Pagalungan, Maguindanao, ang matagal nang inaasahang Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng mga procuring entities sa naturang proyekto, na may kontratang ID CN 245SDF001 ay iginawad sa Megablue Konstak Corporation, sa kinatawan naman ni Mohiden Banto, na may tanggapan sa DR 7 3/F Ebro Dakudao Building, San Pedro Street, Davao City.

Ayon sa MOTC-BARMM, ang nasabing mga proyekto, ay hindi lamang pagpapakita ng kolaborasyon ng mga kawani kundi nagbubukas din ito ng mga bagong yugto ng pag-unlad at kaunlaran para sa rehiyon ng Bangsamoro. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UN-FAO nagbigay ng IT Equipment sa MAFAR para sa pagpapaunlad ng Agrikultura sa Cotabato at Maguindanao
Next post BTA Office of the Floor Leader Atty. Dumama-Alba, Nagbigay ng Tulong sa mga Nasunugan sa Mother Barangay Tamontaka