MOST-BARMM Sinuri ang Pagsunod ng MSMEs sa Mabuting Pamamahala sa “Manufacturing” sa BASULTA

(Litrato mula sa MOST-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-10 ng Hunyo, 2024) – Ang Ministry of Science and Technology (MOST) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay nagsagawa ng isang malawakang pagsusuri sa labing-limang (15) micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi (BASULTA), mula Mayo 13 hanggang 27, 2024.

Batay sa pahayag ng MOST, ang pagsusuri ay layong mapalakas ang current Good Manufacturing Practices (cGMP) at ihanda ang mga negosyo para sa Halal Certification at FDA-License to Operate (FDA-LTO) sa ilalim ng bagong programa na Technology Assistance and Consultation Services (TechACS).

Sumasaklaw ito sa iba’t ibang aspeto ng pagsunod sa cGMP at pagiging handa para sa sertipikasyon. Kasama sa mga negosyong sinuri ay ang La Hermanas Bake & Brew, Baas Women Cassava Homemade Food Trading Association, Johny’s Bakeshop, Jezreel Coffee, Whabie MMK, at Al-Khalid Bakery sa Basilan.

Sa Sulu naman ay kasama ang Banguingui Women’s Cooperative, Osama Bin Anak Miskin, Bagsak Pilihan Women’s Association, Tugas Women Association, at Master Mubarak Bakeshop. Samantala, sa kinatawan naman ng Tawi-Tawi ay ang Deen’s Bakeshop, Wrap Sarap, Timundun Women’s Association, at Darul Islam Farmers Producers.

Ang nasabing proseso ay naging masusing pagsusuri sa mga regulasyon, dokumentasyon, imprastraktura, mga protocol sa kalinisan, mga pamamaraan sa sanitasyon, mga hakbang sa kontrol ng kalidad, pagsasanay ng mga empleyado, at iba pang mahahalagang aspeto ng produksyon ng pagkain.

Sa pamamagitan ng pagtitiyak sa pagsunod sa mga pamantayan na ito, layon ng MOST na taasan ang kalidad at kaligtasan ng mga produktong pagkain mula sa MSMEs sa BASULTA, na naglalayong palakasin ang paglago ng ekonomiya at pagbibigay ng kakayahang pangalagaan ng MSMEs sa rehiyon ang kanilang negosyo. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BARMM, CARAGA leaders gain governance insights from educational visit in Metro Manila
Next post OCM’s Office for Other Bangsamoro Communities spearheads Successful Coordination Efforts and Convergence Program