Planong Vocational Development Center sa MILF Camp, Isusulong ng MBHTE-TESD
COTABATO CITY (Ika-9 ng Hunyo, 20024) – Nagmungkahi ang MBHTE Technical Education at Skills Development Sulu na kinakatawan ni Provincial Director Glenn A. Abubakar at ng 113th Base Command, Bangsamoro Islamic Armed Forces, Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kinakatawan ni Base Commander Suaib A. Edris na magtayo ng Vocational Development Center sa Camp Salman Al-Farishie sa Zamboanga Sibugay ay may malaking potensyal para sa pagpapaunlad ng economic empowerment sa loob ng mga komunidad ng MILF.
Sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga indibidwal na may mahalagang mga kasanayan sa bokasyonal, hindi lamang mapahusay ang kanilang kakayahang magtrabaho ngunit binibigyang kapangyarihan din sila na magbigay ng makabuluhang kontribusyon sa pag-unlad ng kanilang mga komunidad.
Ang pagtutulungang pagsisikap na ito, ayon sa TESD ay nagpapakita ng pangako sa peacebuilding at sustainable development, paglalatag ng pundasyon para sa isang mas maliwanag at mas maunlad na kinabukasan para sa lahat ng kasangkot. “Sama-sama, maaari tayong lumikha ng mga pagkakataon para sa pag-unlad, pagpapalakas, at pangmatagalang positibong pagbabago,” punto pa ng TESD.
Kabilang sa pagpupulong sina 113th Deputy Base Commander Dante Ismael at MILF Members, Language Skills Institute Administrator Jon Sauti, Planning Officer Abubakar Ilahan, School Administrators mula sa mga piling Technical-Vocational Institutions (TVIs) na akreditado sa lalawigan ng Sulu na ginanap sa Dennis Coffee Garden, Zamboanga City.
Samantala, nitong ika-6 ng Hunyo, ang Regional Language Institute ay matagumpay na nakapagsagawa ng Training Induction Program (TIP) sa Community Base Training (CBT) na kinabibilangan ng pitumpu’t limang (75) beneficiaries sa Mahad, ng Tawi-Tawi.
Ang TIP ay binubuo ng kwalipikasyong Arabic Language and Saudi/Gulf Culture at English Language and Culture na layuning magbigay ng karagdagang kaalaman sa lenggwahe at ma-boost ang profile ng mga partisipante maging ang kanilang kakayahan.
Sa lalawigan ng Basilan naman ay nagsagawa ang TESD-Basilan Provincial Office ng TIP sa tatlong magkahiwalay na institusyon, sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET) na ginanap nito lamang ika- 27 hanggang ika- 28 ng Mayo.
Sa datus ng TESD, isandaang (100) trainees ang nagsanay sa kwalipikasyon ng Shielded Metal Arc Welding NC-II para sa Ma’had Mukhtar Liddirasatil Islamiyyati Inc., Organic Agriculture Production NC-II and Agricultural Crops Production NC-II naman sa Omar Skills Development Institute Inc., at Dressmaking NC-II sa mga grupo ng kababaihan ng Badja Institute of Islamic Teaching Inc.
Sinabi ng TESD na naging matagumpay ang TIP sa pangunguna nina Provincial Director Muida S. Hataman na kinatawan ni Scholarship Focal Muhmin J. Edrosolo katuwang ang Ma’had President Romy H. Kabak, OSDII President Ustadh Kusay A. Jalil, at Badja President Ustadh Abdulmajid A. Kawilil. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)