63 Barangays, 8 Municipality ng SGA-BARMM, Nanumpa sa UBJP

L-R: MP Akmad “MILF Commander Jack” Abas; Pikit, North Cotabato Mayor Sumulong K. Sultan at MP Mohammad Kelie U. Antao ay kabilang sa mga nanumpa sa UBJP. (Litrato mula sa UBJP Regional Headquarters)

COTABATO CITY (Ika-30 ng Mayo, 2024) —Humigit kumulang 500 na opisyal mula sa 63 Barangay at walong (8) munisipalidad ng Special Geographic Area (SGA) ang pormal na nanumpa sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP), na pinangungunahan ni Vice President UBJP and for Central Mindanao, Mohagher M. Iqbal, sa ginanap na Special Mass Oath Taking para sa mga Opisyal ng Barangay sa SGA, nitong Miyerkules, Mayo 29, sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, BGC Compound ng Cotabato City, BARMM.

Sa nasabing Oath Taking, nagbigay ng opening at welcome remarks ang Provincial Chief Executive Officer ng UBJP SGA-BARMM, MP Mohammad Kelie Antao.

“Saguna na pun tanu sa serbisyong totoo, midtatagapeda tanu sa serbisyong totoo, na saguna ba nyaba na sya tanu beludep kanu moral governancea sya pakaukit kanu UBJP”, Ngayon ay umpisahan natin ang serbisyong totoo, magkakasama tayo sa serbisyong totoo, sa ngayon ay dito tayo papasok sa moral governance dito sa UBJP) pahayag ni MP Kelie Antao.

(Litrato mula sa UBJP Regional Headquarters)

“Ang United Bangsamoro Justice Party ay ang partidong hindi matitinag!” dagdag nito.

Samantala, ang walong munisipalidad ay kinabibilangan ng Pahamudin, Kadayangan, Nabalawag, Malidegao, Ligawasan, Tugunan, Old Kaabakan, at Kapalawan.

Kabilang sa mga dumalo sina MILG Minister Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, MP Tawakal Midtimbang, MP Akmad “Jack” Abas, MP Suwaib Oranon, at ang Mayor ng Pikit na si Sumulong K. Sultan, na kabilang din sa mga nanumpa bilang bagong miyembro ng UBJP. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToady)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post In Memory of Professor Moner M. Bajunaid: A Legacy of Excellence and Dedication
Next post Bangsamoro gov’t. namigay ng Php5,500 Cash-for-Work Assistance sa Sulu