Qur’an Memorizer sa Markadz Baida Litahfizil Qur’anil Kareem sa bayan ng Guindulungan opisyal ng Nagsipagtapos
COTABATO CITY (Ika-24 ng Mayo, 2024) — Dumalo si MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal, Member of Parliament Tawakal B. Midtimbang at iba pang opisyales ng Bangsamoro government sa seremonya ng pagtatapos ng mga Hafidh ng mga estudyante ng Markadz Baida Litahfizil Qur’anil Kareem.
Ang okasyong ito ay hindi lamang pagdiriwang ng dedikasyon at pagsusumikap ng mga estudyante, kundi nagsilbi rin itong inspirasyon para sa komunidad, lalo na sa mga kabataan, na itaguyod ang kanilang sariling mga layuning pang-relihiyon at pang-edukasyon, ito ay ginanap nitong Miyerkules, Mayo 22, 2024 sa Gymnasium ng Guindulungan, Maguindanao del Sur, BARMM.
Ang tradisyon ng pagmememorya ng Qur’an ay nagmula pa noong panahon ng Propeta Muhammad (PBUH). Sinigurado ng mga sinaunang Muslim ang pagpapanatili ng Qur’an sa pamamagitan ng pagmememorya, naipapasa ito nang walang pagbabago sa bawat henerasyon.
Ang pagmememorya ng Qur’an ay itinuturing na isang marangal at kapaki-pakinabang na gawain na nagpapalago sa espirituwal, intelektuwal, at moral na kalusugan ng isang tao. Ang gawaing ito ay nagpapayaman sa personal at pangkomunidad na buhay, at nagdadala ng maraming biyaya at gantimpala.
Ang pagsuporta at paghimok sa mga naglalakbay sa landas na ito ay isang magkatuwang na responsibilidad sa loob ng pamayanang Muslim, na nagpapakita ng kahalagahan ng kolektibong pagsisikap sa pagpapalago ng relihiyoso at edukasyonal na pag-unlad.
Sa ngayon ang libu-Libo na ang mga kabataan sa Bangsamoro na nakapagsaulo ng Qur’an na isa sa prayoridad na Simuay operahan ni BARMM Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim at ng Alhufaz Charity Foundation in Southern Philippines,
Inc. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)