MPW-BARMM Nagsagawa ng Pulong upang Palakasin ang Kooperasyon sa mga Kontratista
COTABATO CITY (Ika-25 ng Mayo, 2024) — Nagsagawa ng pulong ang Ministry of Public Works (MPW) ng Bangsamoro government kasama ang mga kontratista na pinangunahan ni Chief of Construction Division Tarhata P. Kalim, tinalakay sa pulong ang mga mahahalagang isyu tulad ng proseso ng pagbabayad ng mga claim, pagtatalaga ng liaison officer, at iba pang kaugnay na usapin, ito ay ginanap Miyerkules , Mayo 22, 2024, sa Mall of Alnor Convention Center sa lungsod ng Cotabato.
Binigyan ng pagkakataon ang mga kontratista na ilahad ang kanilang mga tanong at alalahanin, na agad namang sinagot at nilinaw ng mga opisyal mula sa MPW Regional Office.
Kabilang sa mga opisyal na dumalo ay sina Office-in-Charge Engr. Danilo Ong, Atty. Abdulrakman Mokamad ng Legal and Legislative Division, Executive Assistant Atty. Omar Abutazil, Chief Johary Panambulan ng Internal Audit, Director of Operations and Infrastructure Service Engr. Nazer Ebus, Chief Tarhata Kalim ng Construction Division, at Chief Sukarno Suliek ng Quality and Assurance and Hydrology Division.
Layunin ng pulong na ito na talakayin ang mga responsibilidad ng mga kontratista at mapabuti ang koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng ministeryo at ng mga kontratista. Binigyang-diin din ni Engr. Ong ang kahalagahan ng pakikipagtulungan para sa tagumpay ng mga proyekto ng imprastruktura, at kinikilala niya ang mga kontratista bilang mahahalagang katuwang sa pagtupad ng mandato ng MPW, lalo na sa pag-unlad ng imprastruktura.
“The MPW, as the engineering arm of BARMM, sees you as an invaluable partner in fulfilling our mandate. We need you as a development partner to shape the future of Public Works,” pahayag ni Engr. Ong.
Nagsilbing pagkakataon ang pulong para sa bukas na diyalogo at pakikipagtulungan sa pagitan ng mga kontratista at opisyal ng MPW Regional Office. Nilalayon ng pulong na ito na mapalakas ang magandang relasyon at kooperasyon sa pagitan ng mga katuwang sa imprastruktura para sa ikabubuti ng Bangsamoro.
Ang pulong ay nagbigay-diin sa pangako ng epektibong pagpapatupad ng mga proyekto at pinatibay ang positibong ugnayan sa pagitan ng MPW at ng mga kontratista, na nagbukas ng daan para sa hinaharap na kooperasyon at pag-unlad ng rehiyon. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)