2nd BTA Parliament’s Third Regular Session, Revenue at IP Code pinagtibay

(Litrato mula sa BTA-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-14 ng Mayo, 2024) — Inihayag ni Bangsamoro Parliament Speaker Atty. Pangalian Balindong na ang Bangsamoro Parliament ay nakatakdang ipasa hindi lamang ang dalawang natitirang code kundi pati na rin ang iba pang mahahalagang hakbang na naglalayong mapabuti ang pamamahala habang naghahanda ang rehiyon para sa regular na Parliament sa 2025.

Ayon sa LTAIS-Public Information, Publication, and Media Relations Division ng BTA ay opisyal na binuksan ng bagong halal na Bangsamoro Wali Sheikh Muslim Guiamaden ang ikatlong regular na sesyon ng Parliyamento sa pamamagitan ng pagpalo sa agong alas-2:11 nitong hapon ng Martes.

Sa kanyang ulat, binalangkas ni BARMM Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim ang agenda para sa 2024-2025, na kinabibilangan ng mga pangunahing prayoridad tulad ng revenue, indigenous peoples’, labor, at gender development codes, Magna Carta for Persons with Disabilities (PWDs), at mga inisyatiba upang protektahan ang mga karapatan ng mga bakwit o IDPs.

Kasama rin dito ang 2025 na badyet ng BARMM, ang Bangsamoro Budget System Act, ang Bangsamoro Investment Code, at ang Charter ng Bangsamoro Development Corporation.

Bilang pagpapakita ng suporta, dumalo sa seremonya si OPAPPRU Secretary Carlito G. Galvez, Jr. na pinagtibay ang suporta ng pambansang pamahalaan sa mga inisyatiba ng BARMM. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Sheikh Muslim Guiamaden Appointed as New Bangsamoro Wali
Next post Bangsamoro Youth in BARMM Appeals for BTA Extension until 2028