WFD nag-organisa ng Female Fellowship for Bangsamoro, para sa women political leaders

(Litrato mula sa Westminster Foundation for Democracy (WFD)


COTABATO CITY (Ika-19 ng Pebrero, 2024) – Matagumpay na nailunsad ang pinakaunang retreat ng “Female Fellowship for Bangsamoro” na nilahukan ng 11 na mga pinuno ng kababaihang Bangsamoro mula sa limang probinsya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao noong ika-5-6 ng Pebrero sa Davao City.

Inorganisa ng Westminster Foundation for Democracy (WFD) ang fellowship layuning maitatag ang isang network para sa mga kababaihan na naghihikayat sa pakikilahok sa pulitika, nagbibigay ng mga kasanayan sa pamumuno at pagpapatakbo ng mga epektibong kampanya sa eleksyon at maging safe space mula sa diskriminasyon at paglabag sa karapatan na kinakaharap ng mga kababaihan sa pulitika.

Ang mga delegado ay sina Member of the Bangsamoro Parliament Tarhata M. Maglangit, Member of the Bangsamoro Parliament NurRheda I. Misuari, Deputy Minister ng Ministry of Social Services and Development Nur-Ainee T. Alim; former representative ng 1st District ng Maguindanao, Bai Sandra A. Sema; former Tawi-Tawi representative, Ruby M. Sahali; former member ng dating regional legislative assembly ng ARMM, Samira A. Gutoc; former councilor ng Cotabato City, Christina T. Chua; former board member ng Cotabato province, Dulia D. Sultan; CSO leader, Prof. Arlene N. Sevilla; retired assistant schools division superintendent Nurhiya K. Jamaldin; at Atty. Bai Pangandongan G. Dilangalen.

Ang mga trainors ay sina Member of the Kenyan Parliament, Honourable Millie Grace Akoth Odhiambo, mula sa Kenya at Member of the UK Parliament, Right Honourable Elizabeth Katherine Saville Roberts.

Ayon sa WFD ay “Ito ang una sa serye ng mga retreat na gaganapin sa buong 2024 habang naghahanda ang Bangsamoro Government para sa Halalan 2025.”

Ang WFD ay isang UK public body na tumutulong sa pagpapalakas ng demokrasya sa buong mundo. Ito ay sumusuporta sa demokratikong katatagan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ang mga gawain ng WFD sa Bangsamoro ay suportado ng UK Government sa pamamagitan ng Conflict, Stability and Security Fund (CSSF) project. (BMN Network News/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post CSO engagement strategy in BARMM ways to strengthen Bangsamoro organizations in the region
Next post Gaza: Increased armed hostilities in Rafah pose disastrous risks to civilian lives and infrastructure