‘Pugay Tagumpay’ iginawad ng MSSD-BARMM sa exiting beneficiaries ng 4Ps sa SGA cluster
COTABATO CITY (Ika-27 ng Disyembre, 2023) – Inorganisa ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang Pugay Tagumpay, isang seremonya ng pagtatapos para sa 895 mga benepisyaro na natapos na ang pagiging miyembro sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa BARMM SGA clusters ng Aleosan, Carmen, Kabacan , Midsayap, Pigcawayan, at Pikit.
Bukod sa pagtanggap ng graduation certificates of recognition, 249 sa households na ito ang kuwalipikado para sa Php 15,000 seed capital fund sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) upang higit na maiangat ang kalagayan ng kanilang socio-economic o pangkabuhayan.
Samantala, 19 na anak ng mga “exiting beneficiaries”, na mga licensed professional teachers (LPTs), ang isinangguni sa human resource and management unit ng 4Ps BARMM Regional Program Management Office (RPMO).
Ang MSSD ay nangangako na mahigpit na subaybayan ang nasabing mga nagsipagtapos upang matiyak na mapapanatili nila ang kagalingang nakamit pagkatapos makumpleto ang programa.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng patuloy na suporta at patnubay, nilalayon ng MSSD na tulungan ang mga indibidwal na ito sa kanilang paglalakbay tungo sa pagsasarili.
Sa programa ay dumalo si MSSD Director General Atty. Mohammad Muktadir Ahmad Estrella, Deputy Minister Nur-Ainee Tan Lim, BARMM SGA Provincial Social Welfare Officer (PSWO) Haron D. Amer, at iba pang kawani ng 4Ps na isinagawa noong ika-12 ng Disyembre, 2023, sa municipal gymnasium, Poblacion 6, Midsayap, North Cotabato. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)