Zamboanga Sibugay bibisitahin at bibigyan ng food packs ng 5+1 Miracle MPs katuwang ang OCM
MALANGAS, ZAMBOANGA SIBUGAY (December 17, 2023 ) — Bumiyahe ang Five (5) Miracle na mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa isang outside core territory sa munisipyo ng Malangas, Zamboanga Sibugay ngayong araw ng Linggo para maiparating ang tulong ng Bangsamoro government at makapagbigay ng update sa mga residente sa estado ng BARMM.
Kasama sina MP Suwaib Oranon, MP Mohammad Kelie Antao, MP Tawakal Midtimbang, MP Mudjib Abu, MP Bassir Utto, MP Alauddin Mosber sa suporta ni BARMM Chief Minister Ahod “Al-Haj Murad” Ebrahim ay naging posible ang misyon ng ng mga miyembro ng 5+1 Miracle MPs sa pagbisita upang maiabot ang tulong ng Bangsamoro government.
Sa ekslusibong panayam ng Bangsamoro Today at Bangsamoro Multimedia Network na sumama sa programang “Community dialogue and food packs distribution to Bangsamoro community outsider core” ay sinabi ni MP Antao na, nasa isang libo (1000) katao mula sa iba’t – ibang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) gaya ng Da’wah, Tarbiyyah, Political Committee, Social Welfare Committee (SWC) at Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) at iba pang supporters ng MILF ang makakatanggap ng tulong.
Ayon kay MP Antao ang programang gaganapin ay isang pagpapatunay na ang adbokasiya ng Moral Governance ni Chief Minister Ebrahim na may temang “No Bangsamoro is left behind” ay ramdam sa mga lugar sa labas ng teritoryo ng BARMM.
Ang mga benipesaryo ay makakatanggap ng 1 sako ng bigas (25 kilos) at grocery package na inihanda ng organisadong 5+1 Miracle MPs kasama ang opisina ni Chief Minister Ebrahim ng BARMM bilang bahagi ng 12 point program ng Bangsamoro government. (Nurjannah D. Alijam, BMN/BangsamoroToday)