Member of Parliament Iqbal nagbigay ng proyekto sa Bgy. Tuca-Maror, Bongo Island, Parang, MDN
COTABATO CITY (Ika-8 Disyembre, 2023) – Ang Office of Member of Parliament (MP) ni Mohagher M. Iqbal, sa pakikipagtulungan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE), ay nag-turn over ng isang covered court na may entablado sa Brgy. Tuca-Maror sa Bongo Island, Parang, Maguindanao del Norte, araw ng Huwebes.
Sa halagang Php3,586,006.55, ang nasabing pasilidad ay na-subsidize sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund 2021 ni MP Iqbal.
Maliban sa covered court ay may ilan pa itong proyekto sa lugar tulad ng dalawang classrooms na pinondohan sa loob ng General Appropriation Act of the Bangsamoro 2022 na nasa 70% na ang konstruksyon nito, kabilang dito ang school pathways na may layong 200 metro, at personal na tulong ni MP Iqbal na isang maliit na tulay na nag-uugnay sa paaralan sa barangay upang maiwasan na may madisgrasya pang estudyante sa pagpunta sa paaralan at pag-uwi sa bahay.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Member of Parliament at Education Minister Iqbal na hindi lamang ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pasilidad kundi binigyang-diin din ang simbolikong resonance nito bilang isang tangible na resulta ng dekadang pakikibaka ng Bangsamoro sa karapatan sa sariling pagpapasya.
Hinikayat rin niya ang lahat na itaguyod ang prinsipyo ng Moral Governance, na binibigyang-diin ang tunay na ugnayan nito sa hustisya—na karapat-dapat sa bawat Bangsamoro. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)