MSSD-BARMM namigay ng tulong pinansyal sa 664 na benepisyaryo ng Unlad Pamilyang Bangsamoro Program
COTABATO CITY (November 22, 2023) – 664 na benepisyaryo ng Unlad Pamilyang Bangsamoro Program (UPBP) na kabilang sa Scale-up ang nakatanggap ng pinansyal sa magkakasunod na payout ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) noong ika 13020 ng Nobyembre.
Ayon sa Special Geographic Area ng MSSD, ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng PhP20,000 piso bilang pandagdag puhunan sa kani-kanilang napiling proyekto o kabuhayan.
Sinabi ng MSSD na nakatanggap ng dagdag puhunan ang 87 na benepisyaryo mula sa Carmen, 74 mula sa Kabacan, 147 mula sa Midsayap, 116 sa Pigcawayan, 120 mula sa Pikit cluster A at 120 rin mula sa Pikit cluster B. Matatandaang sumailalim sa Basic Training skills at Financial Management ang mga nasabing benepisyaryo noong nakaraang taon.
Dagdag sa ulat ng MSSD na bago isinagawa ang payout ay sumailalim muna sa walong araw at magkakaibang Advance Training Workshop ang 664 na benepisyaryo ng Unlad Program (scale-up).
Kabilang sa ibinigay na training workshop para sa Proposed Projects ng tulad halimbawa ng
Ilan sa ibinigay na pagsasanay sa mga benepisyaryo ay ang Micro-enterprise Projects ay ang Training on Entrepreneurial Mins-Setting and Product Costing and Pricing for Micro-entrepreneurs na ibinahagi ng resource person mula Ministry of Trade Investment and Tourism (MTIT).
Ang Integrated Farming and Pest Management at Livestock Production and Ruminant Diseases and Management naman ang pagsasanay ang itinuturo sa mga benepisyaryong may proposed projects na tulad ng livestock, farming at fishing na binahagi naman ng mga resource persons mula sa Ministry of Agriculture Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR). (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)