COMELEC, MBHTE magtatag ng Legal Assistance sa BARMM para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023

COMELEC at MBHTE-BARMM lumagda nang Memorandum of Agreement para sa Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2023. (Photo by Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

DAVAO CITY (October 20, 2023) – Sa pag-umpisa ng kampanya, araw ng Huwebes, ika-19 ng Oktubre ng mga tatakbong Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) ay pinangunahan ni COMELEC Chairman Atty. George Erwin Garcia at Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE Minister Mohagher Iqbal ang paglagda sa memorandum of agreement o MOA sa pagitan ng Commission on Elections (COMELEC) at MBHTE sa pagtatag ng Legal Assistance Desk (LAD) sa lahat ng probinsya para tulungan ang Electoral Boards at lahat ng taong nagbibigay ng serbisyo ngayong halalan, na pangunahing tungkulin ng COMELEC na nakasaad sa MoA.

Ang LAD ay dapat pangasiwaan ng mga tauhan ng COMELEC, at Support Staff mula sa MBHTE, sa ilalim ng pangangasiwa at kontrol ng COMELEC. Ito ay kung sakaling ang isang ulat o reklamo ay inihain laban sa kanila dahil sa, o sa okasyon ng pagganap ng kanilang mga tungkulin sa panahon ng halalan.

Binigyang-diin ni Minister Iqbal na ang pakikipagtulungan ay upang matugunan ang isang bagay na pinakamahalaga – ang pakikilahok ng mga dedikadong guro sa pampublikong paaralan ng Bangsamoro sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Ang pagtutulungan, ayon sa kanya, ay nagpapahiwatig ng isang makabuluhang hakbang tungo sa pagtataguyod ng tapat, kapani-paniwala, at makatarungang halalan sa BARMM, lalo na’t ang rehiyong ito ay isang tagapagtaguyod ng Moral Governance.

Sa pamamagitan ng memorandum ay pinagtibay pa ni Minister Iqbal ang pangako ng Ministry na suportahan at protektahan ang mga guro na kusang-loob na gampanan ang kanilang tungkulin upang maglingkod sa panahon ng halalan na walang pangamba at takot.

Ayon pa kay Iqbal, ang memorandum ay nakasaad dito ang kolektibong tungkulin ng MBHTE at COMELEC na siguraduhin ang integridad ng electoral system, ang kapakanan ng mga guro sa pagtalima sa Moral Governance.

Kinilala naman COMELEC Chairman Atty. Garcia ang mga lider ng Bangsamoro, tulad ni Chief Minister Ahod “Alhaj Muarad’ Ebrahim, Minister Iqbal at ang kasalukuyang Maguindanao del Norte Provincial Governor Abdulraof “GobSam” Macacua na dumalo rin sa programa, ang kanilang pakikibaka para maabot ang demokratikong prosesong ito ng pangkapayapaan.

Sinabi ni COMELEC Chairman Garcia na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na magkaroon ng hiwalay na MOA sa pamamagitan ng MBHTE pagktapos nang magkahalintulad na kasunduan sa tanggapan ni DepEd Secretary “VP Inday” Sara Duterte.

Samantala, sinabi ni BARMM Chief Minister Ebrahim ang paglagda ng MOA ay isang patunay na matatag na pakikipagtulungan, pagsisikap ng COMELEC at Bangsamoro government upang masigurado ang transparent, efficient, at credible election sa Bangsamoro region.

Sa pagpapalawak ng pagpapahalaga ng Gobyernong Bangsamoro sa mga maglilingkod sa paparating na halalan, sinabi ni Chief Minister Ebrahim, na siya ay optimistic na ang MOA ay ma address ang gaps, at iba pang issues, at concerns sa Election Service Reform Act sa Bangsamoro. (Tu Alid Alfonso,BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BARMM Info & Media Summit Tackles Communicators’ Important Role in Preserving the Gains of the GPH-MILF Peace Process
Next post OFFICIAL STATEMENT OF THE MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT ON THE SITUATION OF THE PALESTINIAN PEOPLE