GPH, MILF Implementing Peace Panels nagpulong sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr.

Paglagda ng Joint Statement ni Mr. Cesar B. Yano ang Chair ng PH Peace Implementing Panel at Minister Mohagher M. Iqbal, ang Chair ng MILF Peace Implementing Panel. (Litrato mula sa OPAPRU)

COTABATO CITY (July 2, 2023) – Nagpulong sa unang pagkakataon ang Peace Implementing Panels ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., para sa muling pagpapanumbalik sa pagsusulong ng kanilang pangako sa pagpapatupad ng siyam na taong kasunduang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.


Nakapaloob sa pinagsamang pahayag, na nilagdaan ni Cesar B. Yano, Chairman ng GPH Peace Implementing Panel, at Minister Mohagher M. Iqbal, ng syang Chairman naman ng MILF Peace Implementing Panel, tinalakay ng magkabilang panig ang apat na pangunahing bagay.

Una sa tinalakay ng Implementing Panels ay paghayag ng kanilang pakikiramay sa mga naulila na pamilya ng pitong (7) miyembro ng MILF na napatay sa isang law enforcement operations sa Brgy. Damawato, Datu Paglas, Maguindanao del Sur noong ika-18 ng Hunyo 2023. Taos-puso ang pasasalamat ng mga Implementing Panel kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., para sa mabilis na pag-uutos sa Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng mga imbestigasyon sa nabanggit na insidente. Ang MILF Implementing Panel ay binigyang diin ang pangangailangan ng isang hiwalay na pagtatanong ng isang independent body upang palakasin ang tiwala sa mga matuklasan.

Pangalawa ay tinalakay at napagkasunduan din ng mga Partido na higit pang pag-aralan ang mga panukala para sa AFP Redeployment Parameters and Areas para sa Joint Security Assessment, Transition Plan para sa Joint Peace and Security Teams (JPSTs), at ang Integrated Framework sa pagpapatupad ng programa sa transpormasyon ng mga kampo para sa paunang 33 barangay ng anim (6) na dating kinikilalang kampo ng MILF.”

Ikatlo, ang pagkilala sa pagpapabilis at sentralidad ng buong pagpapatupad ng decommissioning program sa pamamagitan ng paghahatid ng mga socioeconomic development packages para sa mga mandirigma, ang Implementing Panels ay nagkasundo na lumikha ng isang socioeconomic study committee upang matalakay at irekomenda sa pag-apruba ng mga Panel sa mga bahagi, pagpapatupad ng framework, at mga estratehiya sa pagpopondo para sa mga socioeconomic development packages para sa mga decommissioned combatants and camps transformation. Ang mga miyembro mula sa GPH ay sina Usec. Zamzamin L. Ampatuan (Chair), Usec. Alan A. Tanjusay, at PA David B. Diciano, at ang mula naman sa MILF ay sina Min. Raissa H. Jajurie (Chair), Min. Aida M. Silongan, at BDG Mohajirin T. Ali.

At ang pang-Apat, sa kabila ng mga hamon sa pagpapatupad ng prosesong pangkapayapaan, ang mga Partido ay nangako na ituloy ang mahusay na paghahatid ng iba pang bahagi ng kasunduang pangkapayapaan. Ang mga Partido ay sumang-ayon na paigtingin ang resource mobilization upang suportahan ang pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga international state and non-state donors na handang suportahan ang proseso ng normalisasyon, napapailalim sa naaangkop na mga tuntunin at regulasyon sa pagtanggap ng mga gawad, donasyon o anumang anyo ng tulong sa pag-unlad. Ang mga modalidad para dito ay tatalakayin pa ulit ng GPH-MILF peace implementing panels.

Ang MILF Implementing Panel ay “ipinahayag din sa GPH Implementing Panel ang intensiyon ng una na ituloy ang itinatag na pamantayan ng paglulunsad ng mga bagong bubuuing Panel sa pamamagitan ng isang pulong sa Kuala Lumpur bago ang pagsasagawa ng anumang pormal na pagpupulong, at ang revitalization ng International Monitoring Team (IMT). Ang GPH Implementing Panel ay nangako na ihatid at iangat ang parehong mga bagay sa principal nito.”

Ang parehong partido ay “nagpahayag ng kanilang pinakamalalim na pagpapahalaga at patuloy na pagtitiwala kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa kanyang buong suporta sa proseso ng kapayapaan ng Bangsamoro at sa kanyang pangako na tuparin ang pagpapatupad ng mga kasunduang pangkapayapaan.”

Ayon pa sa pahayag ng magkabilang panig, sila ay nagpapasalamat din sa Kalihim ng OPAPRU na si Carlito G. Galvez, Jr. at Punong Ministro ng Bangsamoro na si Ahod B. Ebrahim, na sa ilalim ng kani-kanilang pamumuno ay umusad ang pagpapatupad ng CAB, gayundin ang iba’t ibang ahensya ng National Government at ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) para sa kanilang patuloy na suporta sa CAB. Ang mga Partido, kasama ang buong mekanismo ng kapayapaan, ay muling pinagtitibay ang kanilang pangako sa patuloy na pagpapatupad ng CAB at ang pagkamit ng makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro at sa buong bansa.

Ipinahayag naman ni Sec. Galvez ang kanyang pasasalamat sa mga Panel na ituloy ang prosesong pangkapayapaan sa Bangsamoro. “The President himself has earlier expressed his unwavering commitment and support to the implementation of the Bangsamoro peace agreements,” pahayag nito. (Ang Pangulo mismo ay nauna nang nagpahayag ng kanyang hindi natitinag na pangako at suporta sa pagpapatupad ng mga kasunduang pangkapayapaan ng Bangsamoro). (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday, Litrato mula sa OPAPRU)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Peace Implementing Panels of the Government of the Philippines (GPH) and the Moro Islamic Liberation Front (MILF) Joint Statement
Next post Recognition of Inherent Dignity is Fundamental to Peace – MILF Panel Chairman Iqbal