MBHTE-BARMM Minister Iqbal namahagi ng kagamitan sa Paaralan sa Basilan
COTABATO CITY (June 9, 2023) – Namahagi ng mga kagamitan sa pag-aaral ang Bangsamoro learners at mga gamit ng guro ang Minister ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ng rehiyong Bangsamoro, Mohagher Iqbal sa lalawigan ng Basilan kasama ang kanyang Director General for Basic Education Abdullah Salik Jr., araw Miyerkules, ika-7 ng Hunyo sa dalawang Schools Division Office ng MBHTE.
Kabilang sa ipinamahagi ni Iqbal ang Teachers Kit, reference materials para sa ISAL Teachers, at Science and Technology Human Anatomy Model sa Lamitan City, Basilan na ginawa sa isang seremonya kung saan ay tinanggap ito ni Myra Borja Mangkabung, EdD, CESE sa School Division Office, Santa Clara, Lamitan City.
“It has been a long time na sana magkameron tayo ng ganitong mga material and I’m sure you are very happy because our learners will be utilizing these in the day-to-day activities in schools, particularly yung books,” pasasalamat ni SDS Mangkabung.
At para naman sa Basilan School Division ay pumunta din si Minister Iqbal sa Maluso Elementary School, Maluso, Basilan sa hapon upang ipamahagi din ang magkatulad na kagamitan sa paaralan.
Tinanggap ni Basilan School Division Superintendent Dr. Tim J. Undain-Sanchez ang mga gamit ng mga guro at mag-aaral sa ginawang seremonya kasama ang mga guro at Bangsamoro learners.
“You know his (Education Minister Iqbal) presence himself is already a great inspiration to us. He tries his best to address our needs,” masayang sinabi ni SDS Sanchez sa ginanap na programa.
Maliban sa turn-over ceremony na sentro ng kanyang pagbisita kasama ang pagdalo sa 1st Provincial Education Summit sa Basilan ay nagsagawa din sya ng sorpresang pagbisita sa Lamitan Central Elementary School sa Lamitan City, Concepcion Elementary School at Concepcion National High School sa Lantawan, Basilan upang personal na tingnan ang sunog na nangyari sa isang science classroom na tumupok sa mga computers, laboratory apparatus noong gabi ng Huwebes, ika-1 sa buwan ng Hunyo.
Ang sunog ayon sa mga guro ng Concepcion National High School ay dahil umano sa “faulty wiring” at ito ay nagdulot ng perwisyo sa klase ng mga estudyante dahil sa hindi na ito magamit pa.
“Meron kaming mga surprise visit, yung pinuntahan namin sa Lamitan City school, kahit ang School Division Superintendent ay hindi namin sinabihan, hindi ko sinabi, hindi sa wala akong tiwala pero yun lang ang nagiging policy namin na kahit yung Deputy Minister na magkasama kami pero hindi ko sinasabi…,” ayon kay Iqbal.
Sa mensahe ni Iqbal na ayaw nyang ipaalam ang ginagawang sorpresang pagbisita sa mga paaralan upang hindi na makapaghanda ang mga ito dahil ang mga guro ay ayaw nyang maabala pa sa pamimili ng maihanda at paraan anya ito upang makita ang totoong kalagayan ng bawat mapuntahang paaralan. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)