Cotabato City Schools Division, ‘Grand Champion’ sa BARMMAA Meet 2023; 67 Gold Medal, tumanggap ng P150-K cash
COTABATO CITY (May 30, 2023) — Itinanghal na overall champion ang Cotabato City Schools Division na may 67 gold, 54 silver, at 47 bronze medal sa isinagawang limang araw (May 25-29) ng matinding laban ng mga atleta mula sa Labing-Isang (11) Schools Division ng MBHTE sa BARMMAA Meet 2023.
Iniabot din ni Minister Mohagher M. Iqbal sa grand champion ang P150,000 cash award, at tropeo na malugod namang tinanggap ni Division Superintendent Concepcion F. Balawag, Ph.D., CESO V at kawani ng Cotabato City Schools Division Office sa closing ceremony na ginanap sa Cotabato State University (CSU) dito sa Lungsod, kahapon ng Lunes, May 29.
Pinagsama ng medal tally para sa Overall Championship sa Palarong Pambansa ang mga resulta ng Elementary at Secondary levels bilang pamantayan sa pagdeklara na kampeon.
Sa 67 ginto, 54 na pilak, at 47 na tansong medalya nito (para sa kabuuang paghakot na 67 medalya), tinalo ng mga lalaki at babae ng host city division ang sampu (10) na iba pang delegasyon ng mga atleta mula sa mga probinsya ng Sulu, Tawi-Tawi, Basilan, Lanao, lungsod ng Lamitan at Marawi, at Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).
Kasunod ng Cotabato City ang Maguindanao II Division bilang 1st Runner Up na may 50 gold, 55 silver, at 41 bronze medalya, tropeo at P80,000 cash award. Ang Maguindanao I Division na may 33 gold, 52 silver, at 57 bronze medals ay nakuha ang 2nd Runner Up, tropeo at nagkakahalaga ng P70,000 cash award. Para sa 3rd Runner Up, ay nakuha naman ng Tawi-Tawi Schools Division at binigyan ng cash award na P60,000 at isang tropeo.
Samantala, sa Secondary Level, nakuha din ng Cotabato City Division ang championship, na may 42 gold, 36 silver, at 38 bronze medals, tropeo at tumanggap din cash incentives na P80,000.
1st Runner Up ang Maguindanao II Division na may 32 gold, 37 silver, at 25 bronze medals, tropeo at P50,000. Nasa 2nd Runner up ang Lamitan City Division na nakuha ang 27 gold, 15 silver, at 19 bronze medals at nakakuha ng P30,000 at isang tropeo. 3rd Runner Up ang Tawi-Tawi, na nakakuha ng 21 gold, 18 silver, at 18 bronze medals, tropeo at P20,000.
Sa Elementary Level, ay nagkampeon ang Cotabato City Division para sa 25 gold, 18 silver, at 9 bronze medals at cash award na P80,000 kasama ang isang tropeo.
Nakuha ng 1st Runner Up ang Maguindanao II, na may 18 gold, 18 silver, at 16 bronze medals, tropeo at cash na P50,000. Nasa 2nd Runner Up naman ang Maguindanao I na may 17 gold, 23 silver, at 11 bronze medals, tropeo at P30,000. Para sa 3rd Runner Up, ito ay nasungkit ng Lanao del Sur na may 11 gold, 10 silver, at 6 bronze kabilang ang tropeo at P20,000.
Iginawad din ng BARMMAA Meet 2023 ang Special Awards, tropeo at P20,000 na cash award bawat napiling delegasyon, tulad ng:
Most Discipline Delegation ay ang Lanao del Sur II Division, Most Eco-Friendly Delegation na nakuha ng Marawi City Division, Best in Saludo na nakuha ng Maguindanao I Division, Best in Uniform naman ay Lamitan City Division, Best in Records and Management ay ang Cotabato City Division, Best Host School ang Tamontaka Central School, Trophy at Most Friendly Delegation ay ang SGA.
Ang iba pang mga delegasyon na hindi nakapasok sa mga nanalong listahan ay binigyan din ng cash na P20,000 bawat isa.
Ang mga huling resulta ay nilagdaan ng Records and Management Unit ng BARMMAA Meet 2023, sa pangunguna ni Judith D. Caubalejo, chairperson; Lorraine A. Tumbas & Lynito S. Tadle, validators; at Ronnie R. Almia, developer ng system at data encoder, ang mga kalahok sa Palarong BARMMAA ngayong taon mula sa 11 schools divisions ng rehiyon ay 8,132, kasama ang mga coach at iba pang opisyal at 4,738 na mga atleta na nakipagkumpitensya sa 22 mga laro.
Sa kabuuan ay nakatanggap ang Cotabato City Schools Division ng P310,000 mula sa pinagsamang gantimpala na P80,000 sa sekondarya at P80,000 sa elementarya na pawang nag-champion at ang P150,000 na cash prize bilang overall champion. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday, Litrato kuha ni Mohamiden G. Solaiman)