Maguindanao II Schools Division, Nangunguna sa BARMMAA Meet 2023: 15 Gold, 17 Silver, at 11 Bronze Medals


COTABATO CITY (May 29, 2023) — Sa humigit-kumulang 60 porsiyentong natapos sa 22 kompetisyon ng pampalakasan sa ginaganap na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Athletics Association (BARMMAA) meet, ang Maguindanao II Schools Division Office (SDO) ay nangunguna sa kabuuang tally na may 15 ginto, 17 pilak, at 11 tanso , may kabuuang 43 na medalya.

Pumapangalawa sa overall medal tally ang Tawi-Tawi SDO na may 13 gold, 9 silver, at 2 bronze medals.

Sa ikatlong magkaparehong puwesto ay ang Lamitan City SDO na nakakuha na ng 10 ginto, 4 na pilak, at 4 na tansong medalya; at Maguindanao I SDO ay mayroong 10 ginto, 14 pilak, at 12 tansong medalya.

Nilinaw ni Dr. Yusoph Thong A. Amino, sports director ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM), ang mga numero ay kumakatawan lamang sa halos 60 porsiyento ng 22 sports events, na inilabas noong 3:41PM ng Linggo, Mayo 28, ay ito lamang ang mga natapos na laro.

Gayunman, umaasa si Amino na kung magkakaroon ng magandang panahon ngayong Lunes, Mayo 29, ang bilang ng mga natapos na laro ay aabot sa 95 porsiyento sa umaga, at 100 porsiyento kung hindi dumating ang ulan.

Ang labing-isang (11) SDO ng MBHTE ay kompletong nakalahok sa taunang Palarong BARMMAA, na ginanap sa Cotabato City.

Sinabi din ni Amino, bureau director ng Bureau of Physical Education and Sports Development (MBHTE-BPESD), na dahil sa nagdaang pandemya kung kaya natigil ng ilang taon ang pagdaraos ng taunang BARMMAA.

Sya ay nagpasalamat sa Cotabato City Mayor Para sa Lahat Mohamamd Ali “Bruce” del Cruz Matabalao sa pagpapatayo ng mga sports facility sa People’s Palace, na ginagamit ngayon para sa ilang mga kaganapan na karaniwang ginagawa sa labas, o sa open field hangga’t maayos ang lagay ng panahon.

Habang bumubuhos ang ulan sa huling dalawang araw, ang ilang mga laro tulad ng basketball, soccer, softball, table tennis, futsal, archery, at baseball ay kailangan munang ihinto. Ngunit nagpatuloy ang mga laro noong Linggo ng hapon dahil naging maaliwalas ang panahon kahit manlang sa pagitan ng bawat pagtigil ng pagbuhos ng ulan.

Binati ni MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal, ang mga atleta mula sa iba’t ibang SDO ng rehiyon para sa pagiging kwalipikadong kumatawan sa kanilang mga paaralan at mga division “sa makabuluhan at kapanapanabik na paglalaro ng mga atleta”.

Binigyang diin ni Iqbal ang kahalagahan ng mga atleta na ehemplo ng makabuluhang halaga palakasan sa BARMM na syang kumakatawan sa diwa ng mamayang Bangsamoro — matatag, malakas, at hindi sumusuko.

“You remind us that we are not defined by our struggles, but how we face them and rise again. You are the personification of our strength and the ambassadors of our vibrant culture,” sabi ni Iqbal.

Samantala sa pagpapatuloy ng medal tally ay nasa Pang-apat ang Cotabato City SDO na may 8 ginto, 8 pilak, at 7 tanso. Ang ikalimang pwesto ay magkatuwang na hawak ng Basilan SDO: 5 gold, 3 silver, at 12 bronze medals, at Lanao del Sur II SDO: 5 gold, 4 silver, at 5 bronze medals.

Ang Lanao del Sur I SDO ay mayroong 2 ginto, 0 pilak, at 2 tansong medalya; Sulu na may 1 ginto, 5 pilak, at 4 na tansong medalya; Ang Marawi City SDO ay mayroong 0 ginto, 1 pilak, at 3 tansong medalya; Special Geographic Area (SGA) mula sa lalawigan ng North Cotabato na may 0 ginto, 1 pilak, at 6 na tansong medalya. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BARMM Education Minister Iqbal nagpasalamat sa tumulong sa BARMMAA Meet 2023
Next post BARMMAA Meet 2023 Medal Tally: Cotabato City nangunguna, 48 Gintong Medalya, naungusan ang Maguindanao II Schools Division