BARMM Education Minister Iqbal nagpasalamat sa tumulong sa BARMMAA Meet 2023
COTABATO CITY (May 26, 2023) – Nagpasalamat ang Minister ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) sa lahat ng sumuporta upang maging matagumpay ang opening program ng ikalawang Palarong BARMMAA 2023 na ginanap sa Lungsod ng Cotabato at nilahukan ng mula sa labing-isang Schools Division ng MBHTE nitong Martes, May 25, 2023. Ipinaabot ni Iqbal ang kanyang pasasalamat sa panayam sa kanya ng Bangsamoro Multimedia Network (BMN) at BangsamoroToday sa lahat ng tumulong sa BARMMAA Meet 2023.
“In this regard, pasalamat tayo sa City Government ng Cotabato, kapulisan, Marines at saka sa miyembro ng Armed Forces of the Philippines na tinulungan tayo na masigurado natin yung security and safety ng mga atleta natin,” wika ni Iqbal.
Sya rin ay nagpasalamat sa BARMM government sa tanggapan ng Punong Ministro Ahod Balawag Ebrahim, at sa kanyang mga kasamahan sa MBHTE, mga Division Superintendent, aniya, “lahat tayo ang layunin natin ay maging matagumpay ang BARMMAA 2023 dito sa Cotabato City.
Ayon sa MBHTE, umabot ng labing-isang-libo (11,000) ang lumahok sa Palarong BARMMAA, na may temang “Sustaining the gains of peace and unity through sports”, the Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE). Nasa 7,000 delagado kabilang ang atleta, coaches, technical officials, at school personnel mula sa 11 schools’ divisions Bangsamoro Region. Kabilang dito ang Sulu, Tawi-Tawi, Basilan, Lamitan City, Marawi City, Cotabato City, Lanao del Sur I at II, Maguindanao I at II, at ang Special Geographic Area (SGA) sa 63 Barangays ng North Cotabato.
“Officially nag start ang BARMMAA 2023 sa isang parade mula sa Cotabato City Plaza patungo sa Cotabato State University kahapon, at 11 Divisions ang kasali and the number…reach around 11,000. Maganda naman ang parade at wala namang untoward incident na nangyari,” ayon kay Iqbal.
Samantala ang Palarong BARMMAA ay may 22 ibat’ ibang kalase ng laro kabilang ang Archery, Arnis, Athletics, Badminton, Baseball, Boxing, Chess, Basketball, Billiards, Football, Futsal, Para Games, Pencak Silat, Sepak Takraw, Softball, Swimming, Table Tennis, Taekwondo, Tennis, Volleyball, Wrestling, at Wushu.
Sa kick-off ceremony, ang Chief Minister ng BARMM ang nagbigay ng keynote speech at kanyang hinikayat ang mga partisipante na gawin ang lahat kanilang makakaya at huwag huminto sa isang mas malaking pangarap.
“I extend my congratulations to all of you. The fact that you are able to represent your division, you are already winners,” mensahe ni Chief Minister Ebrahim.
Ayon naman kay Cotabato City Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao, hindi ibig sabihin kapag matapos na ang BARMMAA ay titigil na ang mga atleta dahil hindi pa tapos ang laban.
“Pagkatapos ng 2023 BARMMAA Meet, hindi natatapos ang laban sa tunog ng pito, sa hudyat ng batingaw, o pagtapak sa finish line. Nawa’y gamitin ninyo ang lahat ng inyong natutunan dito sa pagdaig sa mga hamong hinaharap,” punto ni Matabalao.
Dagdag pa ni Iqbal sa panayam ng BMN, “Sports kasi is a discipline activity, we have to follow the rules and regulations…gusto natin na ang mga kabataan na maging very competitive and it brings honor not only to BARMM or Mindanao but the entire country specially in the SEA games, Asian games and other International competitions.
Kinakailangan anyang maghanda tayo sa ganitong bagay, “because winning in the competition especially involving Athletes coming from other region and other countries is not a joke, we have to prepare for that kasi naga-prepare din sila,” ayon pa kay Iqbal.
“In the case of BARMM”, sabi ni Iqbal, “while winning is very important in the individual level—the level of competitors but more than winning, it is about having to establish the name of MBHTE in particular and the BARMM in general na even in sport we should excel.”
Malaking bagay daw ito ayon pa kay Iqbal na ma-develop ang imahe ng MBHTE, ang BARMM at ang Bangsamoro.
Sinabi din ni Iqbal na isa sa nakuha sa Bangsamoro Organic Law (BOL) at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) ay ang pagkilala sa Bangsamoro identity. “Nakita natin sa parade ang colorful na damit ng mga kabataan depicting yung identity natin as Bangsamoro,” sabi ni Iqbal.
Ang taunang ginaganap na Palarong BARMMAA ay nabalam ng dalawang taon dahil sa bantang panganib ng Covid-19 Pandemic kung saan unang ginawa sa bayan Upi, Maguindanao del Norte ang BARMMAA Meet noong 2020. Ang regional sports competition ay naglalayong ipakita ang mga kakayahan, sportsmanship, at pakikipagkaibigan ng mga mag-aaral ng Bangsamoro. (Tu Alid Alfonso/BMN/BangsamoroToday)