BARMM MBHTE Minister Iqbal naghatid ng proyekto sa Sulu

BARMM Education Minister Mohagher Iqbal kasama si Sulu Governor Hon. Abdusakur Tan na mahigpit na nakipagkamayan sa isat’ isa bilang simbolo ng pagkakaisa at kapatiran (Litrato ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

JOLO, SULU (May 11, 2023) – Masayang nakipagpulong ang grupo ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal kay Sulu Governor Hon. Abdusakur Tan ngayong araw ng Huwebes, ika-11 ng Mayo 2023 sa kapitolyo ng Sulu, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ay bahagi ng patuloy na programa at serbisyo ng ministeryo ng edukasyon sa bahaging ito ng lalawigan kung saan pumunta si Iqbal at ang kanyang mga Director Generals mula sa Basic Education, Higher Education, Technical Education, Madaris Education at Staff upang ihatid ang mga gamit na kailangan ng paaralan sa Jolo.

Sa pagpapatuloy ng programa ng MBHTE sa Jolo ay ibinigay din ang school equipment sa Mohammad Tulawie Central School, at ang turnover ng 1 unit, 2-storey and 10 classrooms school building sa Hadji Butu School of Arts and Trades (HBSAT) kasama ang Access to Higher Modern Education (AHME) scholarship grant na iginawad sa mga 504 kwalipikadong estudyante sa buong lalawigan ng Sulu at may kabuuang budget na 30.2M para sa AY 2022-2023 at 2023-2024 para ika-4 na cohort.

Pormal ng ibinigay ng MBHTE-BARMM sa pangangalaga ng adji Butu School of Arts and Trades (HBSAT) ang 1 unit, 2-storey and 10 classrooms school building sa Jolo, Sulu

Sa hapon ay pumunta ang grupo ni Iqbal sa Sulu National High School upang saksihan ang paglagda ng kontrata ng 660 ISAL teachers sa buong lalawigan ng Sulu kasabay ng pamimigay ng Teachers kit at iba pang gamit sa paaralan.


Bago pa man tumungo ang grupo ni Minister Iqbal sa mga paaralan sa Jolo ay nakipagkita din sya sa Division Schools Superintendent Dr Hadji Kiram Irilis at tingnan ang kalagayan ng halos malapit ng matapos na School Division Office Building mula sa MBHTE-BARMM.

Samantala, araw ng Miyerkules , sumakay ang grupo ng Education Minister ng speedboat mula sa Zambonga City at mismong dinaluhan ang programa sa Tongkil National High School sa munisipyo ng Banguingui, Sulu upang ihatid ang IT equipment at school supplies, pagbigay ng training support funds at distribution of solar kits, awarding ng NC II certificates, paglagda ng kontrata ng ISAL teachers at iba pang pangangailangan sa edukasyon.

Manit na sinlubong si Minister Iqbal ni Mayor Hon. Whidzfar “Nikee” Sahidulla kasama ang kanyang tatay, mga guro, estudyante, at ang kanilang mga magulang. (Tu Alid Alfonso/BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Philippines: DJF and ICRC help a mother regain her footing  
Next post AKAP-Bangsamoro gives hope: A story of passionate teacher in far-flung community of Lamitan