MBHTE Minister Iqbal nakipagpulong kay WestMinCom Chief Galido
ZAMBOANGA CITY (May 9, 2023) — Ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) Minister Mohagher M. Iqbal ay nakipagpulong ngayong araw kay Western Mindanao Command (WestMinCom) at Naval Forces Western Mindanao (NFWM) LtGen. Roy M. Galido upang paghandaan ang pagbisita ng Education Minister sa probinsya ng Sulu at Tawi-Tawi para ihatid ang mga proyektong handog ng MBHTE.
Ilan lamang sa tinalakay sa pagpupulong ay ang pagpapalakas ng ugnayan ng MBHTE at WestMinCom lalo na sa pagpapabuti ng access sa edukasyon sa mga isla ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi (BASULTA) ng BARMM.
Sa mga susunod na araw, ang MBHTE ay maghahatid kagamitan na may kaugnayan sa edukasyon, groundbreaking ceremonies para sa pagtatayo ng mga proyekto at pasilidad ng school building, renewal at contract signing ng Islamic Studies and Arabic Language (ISAL) teachers, graduation at distribusyon ng tool kits para sa Technical Education and Skills Development (TESD) scholars, at iba pa.
Sa pagbisita ni Iqbal sa Sulu at Tawi-Tawi ay kasama nya ang kanyang apat na Director General ng Basic Education Abdullah Salik, Directorate General of Basic Education Marjuni Maddi, Technical Education Ruby Andong, Madaris Education Tahir Nalg at iba pang opisyal ng MBHTE.
Ayon kay Iqbal ang courtesy visit ay “mahusay na pagkakataon na nagpalakas ng partnership at collaboration sa pagitan ng AFP at Navy sa pagtiyak ng kapakanan hindi lamang ng mga mag-aaral kundi maging ng buong komunidad sa BASULTA”.
Samantala, tiniyak ni Commander Galido na ang WestMinCom ay magbibigay ng todo-todo na suporta sa anumang mga programa at proyektong gagawin ng MBHTE para sa ikabubuti ng Bangsamoro kasabay ng paglagda sa isang token na iniabot kay Minister Iqbal. (Tu Alid Alfonso/BMN/BangsamoroToday)