MTIT: P16.9-M kinita sa BARMM Ramadhan Trade Fair
COTABATO CITY (April 27, 2023) – Batay sa ulat ng Ministry of Trade, Investments and Tourism (MTIT-BARMM), ang Bangsamoro Ramadhan Trade Fair 2023 ay nakakuha ng kabuuang P16,994,977.00 milyon na benta.
Ang kabuuang kinita ay sumasaklaw sa panahon mula sa pagbubukas ng trade fair noong Marso 21 hanggang Abril 20, 2023. Humigit-kumulang 54 micro, small and medium enterprises ang mahigit 20 ambulant vendors ang lumahok sa nasabing aktibidad na ginanap sa Bangsamoro Government Center.
Ang kabuuang kita ng 31 araw na trade fair ngayong taon ay higit pa sa target na benta na naka-pegged sa P12-million, ayon sa MTIT.
Itinampok ng mga kalahok na exhibitor ang mga lokal na produkto tulad ng mga katutubong delicacy, mga pagkaing naproseso, mga souvenir, mga kasuotan at fashion accessories at iba pang mga lokal na produkto.
Tampok sa pagtatapos ng trade fair ang isang Awarding Ceremony na kumikilala sa Most Promising MSME/Entrepreneur at ang Best Dressed Booth.
Nasungkit ng Hassaraff Seafoods & Grill Restaurant, Realuxe Cafe at Al-Diwan Restaurant ang Most Promising MSME Award habang ang K3 Cellphone Accessories Store, Samra’s Maguindeli at Greatea Cafe ay nanalo ng Best Dressed Booth Award. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)