Azan Competition sa Ramadhan Festival 2023 Grand Finals, matagumpay na naisagawa
COTABATO CITY (April 17, 2023) — Matagumpay na naisagawa ang Grand Final para sa Azan Competition na ginanap sa Masjid Maimona, 8Z Building Old Barter Tourism Complex, Gov. Gutierrez, dito sa Lungsod kagabi ika-16 sa buwan ng Abril sa pamamagitan ng Muslim Chamber of Commerce and Industry of Kutawato, Inc. (MCCIKI) at pakikipagtulungan ng Innovative Learing Management Operation, Inc. (ILMO, Inc.), Shu’unul Qur’an, 8Z Properties Building Rental, at Jamiat Cotabato’s Supreme Student Council.
Kabilang sa mga kalahok sina Al Zandanie Abdulnasser mula sa Markadz Imam Al-Bukharie na nakakuha ng 1st place, Datu Jihad Anday mula sa Markadz Bangsamoro ang nakakuha ng 2nd place, Rasul M. Abid mula sa Markadz Ginakit ang nakakuha ng 3rd place, Al Yasser Farnan mula sa Markadz Abul Maqarie ang nakakuha ng 4th place at Nasrullah Mamasapano mula sa Markadz Wihda ang nakakuha naman ng 5th place.
Ang nabanggit na mga kaalahok ay nag-uwi ng samut saring pa-premyo tulad ng isang sako ng bigas, thobe (para sa first place), cash, medalya, certificates, libreng dental check-up, dental hygiene kits, Klarees Floral BookMark, ILMO Inc. training, Digital Marketing kabilang ang kanilang Markadz, EDMO Shirt, at Tesda Scholarship.
Ang mga premyo na ibinigay ay sa pamamagitan ng Sponsorship ng 8th Avenue, Happy Teeth, Edmo Shirt, Sodasign, TESDA, ILMO Inc., Klarees Floral, BYC at iba pa.
Samantala, gaganapin mamayang gabi ang Grand finals ng kompetisyon sa kategoryang Qur’an Memorization Category 1 (2 Juzz) na lalahukan ng mga kalahok mula sa iba’t- ibang Markadz. ### (Bai Zuhana G. Madidis, BMN/Voice Fm Cotabato/BangsamoroToday)