Siyam na kinatawan ng ibat-ibang sektor sa BARMM Council of Leaders inihayag ni Chief Minister Ebrahim
COTABATO CITY (April 14, 2023) – Inihayag ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim ang siyam na BARMM Council of Leaders upang maging mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na napili ng kanyang tanggapan noong Miyerkules, ika-12 ng Abril, batay sa Special Orders na inilabas ng Office of the Chief Minister.
Ang mga sumusunod na kalalakihan at kababaihan mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay ay kasiya-siyang nakamit ang pamantayan para sa pagpili ng mga kinatawan ng Komunidad at Sektor, ay sina:
Mohammad Abqary A. Alon – Kabataan/Youth, Noni L. Lao – Babae/Women, Mlang U. Madal – Mga Tradisyonal na Pinuno / Traditional, Troy Eric O. Cordero – Settler, Aboulkhair S. Tarason – Ulama, Tungko B. Tadtagan – Mga Propesyonal, Shalimar A. Candao – Business, Musa T. Solaiman – Farmers, at Malik J. Caril – Bangsamoro Communities Outside the Bangsamoro Autonomous Region (BCOBAR).
Ang mga nominado ay sumailalim sa isang masusing Assessment sa kanilang mga kredensyal batay sa mga alituntuning inilabas ng screening committee sa bisa ng Administrative Order No. 0008, s. 2021 na napapailalim sa mga probisyon ng Book II, Seksyon 5 ng BAC.
Bagama’t mayroong labindalawang puwesto gaya ng inihayag sa panawagan para sa mga nominasyon noong Nobyembre noong nakaraang taon, hindi pa pinangalanan ng Punong Ministro ang tatlong natitirang kinatawan upang kumpletuhin ang konseho.
Nakasaad sa Republic Act No. 11054, kilala bilang Bangsamoro Organic Law, ang pagtatatag ng Council of Leaders na siyang magpapayo sa punong ministro sa mga usapin ng pamamahala sa Bangsamoro Autonomous Region.
Ang punong ministro ang mamumuno sa Konseho, kasama ang mga miyembro nito na binubuo ng mga miyembro ng Kongreso ng Pilipinas mula sa BARMM; mga gobernador ng probinsiya, at mga mayor ng mga chartered na lungsod sa rehiyon; at mga kinatawan ng iba pang sektor.
Gaya ng karagdagang detalye sa Bangsamoro Autonomy Act No. 13 o ang Bangsamoro Administrative Code (BAC), magkakaroon ng isang kinatawan bawat isa mula sa mga sektor ng mga traditional leaders, non-Moro indigenous communities, women, settler communities, the Ulama, youth, Bangsamoro communities outside BARMM, professionals, business, private educational institutions, labor, at farmers’ sector.
Itinakda ng BAC na ang mga kinatawan ng sektor ay hindi tatanggap ng kabayaran maliban sa anyo ng per diem at mga kinakailangang gastos sa pagdalo sa pulong at mga aktibidad ng Konseho. Higit pa rito, ang kanilang termino sa panunungkulan ay dapat magkasabay sa paghirang ng punong ministro maliban kung aalisin sa ilang kadahilanan dahilan. ### (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday, Litrato mula sa Bangsamoro Government website)