3rd SGA Qur’an Competition isinagawa sa bayan ng Carmen
COTABATO CITY (April 10, 2023) – Muling umarangkada ang ika-tatlong (3) lingguhang kompetisyon ng na pinamumunuan ng Administrator nitong si Hon. Butch P. Malang, pinasimulan ang kauna-unahang Qur’an Competition sa Special Geographic Area (SGA) na ginanap Lunes, ika-18 Ramadhan 1444 AH (9 Abril 2023) sa Brgy. Langogan, SGA-Carmen kung saan lumahok ang sampung contenders mula sa Carmen Cluster.
Ang kaganapan sa linggong ito ay itinaguyod ng mga concerned partners mula sa pribadong sektor sa pakikipagtulungan ng Alhuffaz Charity Foundation sa Southern Philippines Inc. (ACFSPi), Union of Muslim Youth Organizations (UMYOi), United Bangsamoro Justice Party (UBJP), at Bangsamoro Multimedia Network (BMNi), ang Special Geographic Area Development Authority (SGADA) sa ilalim ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG).
Sa kaganapang ito, ang Administrator ng SGADA, Butch P. Malang ay kinatawan ng kanyang representate Abusaima Husain na nagbigay-diin sa pagbibigay-halaga sa Islamisasyon upang magkaroon ng mas malinaw na direksyon sa pagkamit ng moral na pamamahala. Gaya ng sinabi niya, ang MILF ay nagtataguyod para sa isang holistic na pagbabago at pag-unlad ng Bangsamoro sa loob at labas ng mga pangunahing teritoryo, at isa sa mga paraan nito ay ang pagsasagawa ng mga programa sa Islamization. Ito anya ay isang paraan upang matiyak ang peace dividend bunga ng GPH-MILF Peace Process ay maisakatuparan.
Si Sheikh Mas’od Lantong Mohammadali, Chairman ng Shu’unol Qur’an at BOD Chairman ng Alhuffaz Foundation, ay binigyang-diin ang mga tungkulin ng ‘Ulama (natutunang mga iskolar ng Islam) sa pagbuo ng bansa. Binigyang-diin niya na ang Ulama ay kailangang magpalaganap ng Islamic creed ng Ahlus-Sunnah wal Jama’ah na nagpapahiwatig hindi lamang sa mga tradisyon ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) kundi pati na rin ang mga birtud ng pagkakaisa, kapayapaan, at pagkakasundo.
Kumakatawan naman sa sektor ng kabataan, si Ustadh Hamzah A. Salik, Executive Assistant ng SGADA at Chairman ng UMYOi Steering Committee at kanyang hinikayat ang mga kabataan na aktibong lumahok sa mga adbokasiya ng kapayapaan tungo sa pagbuo ng maayapa ang masaganang bansa.
Si Zubair A. Guiaman, SGADA Coordinator at Executive Director ng Alhuffaz Foundation ang nagbigay ng katwiran ng programa. Maikli niyang ipinaliwanag ang kasaysayan ng Bangsamoro mula noong panahon ng kolonisasyon hanggang sa pagkakatatag ng BARMM.
Ipinunto niya na sa paglikha ng BARMM na naging daan upang muling maibalik sa Bangsamoro ang kanilang pagkakakilanlan, teritoryo (kabilang ang SGA at Cotabato City), soberanya (parliament form of government), at integral development (ang Block Grant at iba pang mapagkukunan ng kabuhayan).
Dumalo rin sina Hon. Monib C. Calipa, Kagawad ng Brgy. Langogan, SGA-Carmen, Hon. Daton D. Ayob, Cluster Head ng SGA-Carmen, Sh. Abdulrahim Cua, Committee on Da’wah, Kapalawan at Ustadh Mohammad O. Gandi, Committee on Tarbiyyah, Kapalawan.
Nagpahayag sila ng kanilang labis na pasasalamat sa Administrator ng SGADA, Butch Malang sa pagsisimula ng kaganapang ito. Ito ang unang pagkakataon na naabot ang SGA-Carmen para magsagawa ng ganitong uri ng aktibidad mula nang itatag ang BARMM. Nangako silang magbigay ng buong suporta para sa tagumpay at pagpapanatili ng programang ito.
Samantala, kabilang sa panauhin ang Bangsamoro Hafidh Taha Mantikayan Deleyudin na syang kumatawan sa Pilipinas sa isang kompetisyon ng pag-sasaulo sa Qur’an na ginanap sa ibang bansa.
Ang pagsasagawa ng Kumpetisyon ng Qur’an sa SGA ay isa sa mga pagpapakita ng manipestasyon na pagbabagong panlipunan na ginagawa ng pamahalaang Bangsamoro.
Ang pagsasagawa ng 1st Qur’an competition na ito ay isa sa mga paraan, na nakatuon sa pagsasakatuparan ng mga prinsipyo ng Moral Governance bilang pangunahing panawagan ng Kagalang-galang na Punong Ministro na si Ahod “Al-Haj Murad” B. Ebrahim sa lahat ng opisyal at empleyado ng BARMM, pahayayag pa ng SGADA Coordinator Guiaman.
Ang kompetisyong ito ay naka-iskedyul tuwing Linggo ng buwan ng Ramadhan, na sinusundan ng grand finals. Ang ika-apat na lingguhang programa sa huling lingo ng progama ay ang ‘elimination round’ ay gaganapin sa Kabacan Cluster.
Ang mga panelist sa kompetisyong ito ay mula sa Sub-Committee on Noble Qur’an Affairs ng Committee on Education ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). ### (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday, Litrato kuha ni Ali-Emran U. Abutazil)