MBHTE tumanggap ng ‘six 4-storey school building’ mula sa DPWH-12
COTABATO CITY (April 6, 2023) – Tumanggap ng anim (6) na unit ng apat (4) na palapag na gusali ng paaralan ng Senior High School-Stand Alone ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Region-12 sa pamumuno ng Regional Director Bashir M. Ibrahim, Martes, ika-14 ng Abril 2023.
Sinabi ni MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal na ang prelibihiyong tanggapin ang anim na school buildings ay daan upang mapakinabangan ng mga mag-aaral, faculty, at mga kawani ng paaralan.
“I am confident that the Cotabato City Division Office and the Senior High School Stand Alone will manage these buildings so that more learners can benefit from them,” pahayag ni Iqbal.
Matatagpuan sa Bubong Road, Tamontaka Mother, Barangay Datu Balabaran ang kauna-unahang stand-alone na paaralan para sa mga mag-aaral ng Senior High School sa Cotabato City na binubuo ng 120 silid-aralan.
Ginanap sa City Mall Convention Hall, ang seremonya na dinaluhan ng City Tourism Consultant Bai Sandra A. Sema, Councilor Florante Formento na kumakatawan sa Cotabato City Mayor Mohammad Ali “Bruce” Matabalao, Arlan Arumpac na kumakatawan kay City Administrator Atty. Aelan Arumpac, CCDEO Engr. Bai Lugaya A. Ampatuan, Schools Division Superintendent Dr. Concepcion F. Balawag, CESO V, Senior High School Stand Alone School Head Jeanette A. Gaudiado, at iba pang panauhin mula sa DPWH-12, LGU, at MBHTE. ### (Nhor-Hamen S. Aplal, Litrato ni Usop M. Manggamanan, BMN-USM Intern/BangsamoroToday)