BTA, WFD nagsagawa ng Media Forum
COTABATO CITY (March 29, 2023) – Nagtipon sa media forum ang mga radio station manager, journalists, field reporters, broadcasters, at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang media entity sa rehiyon ng Bangsamoro na inorganisa ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) katuwang ang Westminster Foundation for Democracy (WFD) na ginanap sa Lungsod ng Davao araw ng Martes, ika-28 ng Marso.
Ayon sa BTA, dahil ang media ay naging mahalagang bahagi ng paghahatid ng tumpak at napapanahong impormasyon sa publiko, ang forum ay nagbibigay ng paraan para malaman ng media ang tungkol sa mga pagsisikap at mga nagawa ng Bangsamoro Transition Authority.
Binalangakas ni Atty. Sha Elijah Dumama-Alba ang legislative agenda ng BTA at ang mga pangunahing tampok sa Bangsamoro Electoral Code; habang tinalakay ni Deputy Floor Leader Atty. Raissa Jajurie ang Bangsamoro Organic Law.
Pinag-usapan din ng mga resource speaker ang papel ng BARMM media sa parliyamento.
Sa forum, nakarinig ang media ng update, nagtanong, at nakapagbahagi ng kanilang mga pananaw kasama si Atty. Jajurie at Atty. Dumama-Alba.
Ang Westminster Foundation for Democracy, sa pakikipagtulungan ng Public Information, Publication, and Media Relations Division ng BTA, ang nagsagawa ng nasabing forum. (Tu Alid Alfonso/BMN/BangsamoroToday, Litrato kuha ni Mikie A. Mamacan/BMN-USM BSIR Intern)