Police Station Building, ibinigay ng MILG-BARMM sa Kapulisan ng Maimbung, Sulu
COTABATO CITY (March 23, 2023) —Ibinigay ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG)-BARMM sa pangunguna ni Atty. Naguib G
Sinarimbo, kasama si Sulu Governor Abdusakur Tan ang bagong Municipal Police
Station (MPS) kay Maimbung Mayor, Shihla Tan-Hayudini na nagkakahalaga ng P6.6
Milyong Piso nitong ika-16 ng Marso.
Sinabi ni Minister Atty. Sinarimbo na layon ng proyekto na mapalakas pa ang moral ng
mga kapulisan at upang lubos pang protektahan ang komunidad.
Patuloy anya nilang susuportahan ang PNP sa rehiyon upang matiyak na makakamit ang
kapayapaan at katatagan para sa mga Tausug upang matamasa nila ang pag-unlad sa
lalawigan ng Sulu, sabi ni Sinarimbo.
Samantala, ipinarating ni Mayor Hayudini ang kanyang taos-pusong pasasalamat
sa gobyerno ng Bangsamoro, na nagsasabing, “ang bagong MPS ay isang hakbang sa
tamang direksyon tungo sa layunin nitong lumikha ng isang kagalang-galang na
lugar ng trabaho na parehong maipagmamalaki ng mga unipormadong tauhan at
empleyadong sibilyan… upang mas mahusay na mapagsilbihan ang Maimbung.
Kabilang sa sumaksi sa programa si MILG Sulu Provincial Director Emini T Kadiri, PNP
Provincial Director PCOL Narciso Paragas, Acting Provincial Fire Marshall SINSP
Jayson T Ahijon, Sangguniang Bayan Members, Maimbung Police Station personnel,
emplyeyado ng munisipyo, at opisyales ng barangay. ### (Radjamie A. Manggamanan/BMN-USM BSIR Interns/BangsamoroToday, Litrato mula sa MILG-BARMM)