Trabaho sa BARMM Ramadhan Iskedyul, 7:30AM-3:30PM sa empleyadong nag-aayuno
COTABATO CITY (March 23, 2023) – Magsisimula ang pagpasok ng mga opisyal at empleyado sa BARMM simula 7:30 ng umaga hanggang 3:30 ng hapon ngayong Huwebes dahil sa pagdiriwang ng buwan ng Ramadhan upang sa ganoon ay hindi mahirapan ang mga nag-aayunong manggagawa at mairaos nila ang kanilang pag-aayuno ng matiwasay at maganda sa unang araw ng Ramadhan.
Inisyu ng Office of the Chief Minister (OCM) sa pamamagitan ng Memorandum Circular noong Martes, ika-21 ng Marso, na ang flexible na oras ng pagtatrabaho ay mula 7:30 AM hanggang 3:30 PM na papayagan ang mga empleyadong nag-aayuno sa panahon ng Ramadhan.
Ito ay alinsunod sa Presidential Decree (PD) No. 322 at Civil Service Commission Resolution No. 81-1277 na may petsang 13 Nobyembre 1981.
At ibalik din ang Regular na iskedyul ng pagtatrabaho sa BARMM mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM pagkatapos ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Hinimok ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ang komunidad ng Bangsamoro na magsasagawa ng pag-aayuno na may malinis na intensyon, disiplina at kabaitan sa buwan ng Ramadhan.
Dapat anyang malalim na ialay ang ating mga sarili sa paglilinis ng ating mga intensyon, pagyamanin ang pinakamataas na antas ng pagbubukas-palad at awa bilang pagsunod sa makabuluhang espirituwal na paglalakbay sa panahong ito ng Ramadhan.
Umaasa din ang Chief Minister na ngayong buwan ng Ramadhan ay may uugnay ang lahat ng mga Muslim at magbibigay ng kaliwanagan, lalo na sa komunidad ng Bangsamoro
Dagdag ni Ebrahim ang sagradong buwang ito, nawa’y, ang mga magkakapatid ay magpaalalahanan na maglingkod sa mga mahihirap, magbigay ng mga pagkain o iftar sa mga nangangailangan, at magsagawa ng mga aktibidad sa relihiyon tulad ng pagbabasa ng Qur’an at pangangaral ng Islam na siyang magpapaalala sa atin na magkaisa bilang isang pamilyang Bangsamoro. #### (Nhor A. Adam/BMN-USM/BSIR Intern, Litrato kuha ng BMN)